RISKY
“Guys, we need to discuss our plan for the upcoming event.” anunsyo ni Adrian. “We are required to join.”
Kaya naman pala pinapunta niya kami sa mansion nila ng ganito kaaga. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Kung may something urgent man na meeting ang buong grupo, sana naman kasi hindi umaga.
“Why this early, Adi?” reklamo ni Jonas. Aba at humihikab pa. Unang-una siya magreklamo eh siya rin itong unang-una sa pagkain. Inuuna ang paglamon kaysa sa mahalagang gagawin.
“Kaya nga.” sang-ayon ni Primo na kinukusot pa ang talkative.
“Kumain na nga lang muna kayo.” napakamot na lamang sa ulo si Adrian at wala nang nagawa pa sa mga kaibigan naming sobra sa katakawan.
Nagkumahog sila sa pagkuha ng kaniya-kaniyang pagkain sa hapag. Inobserbahan ko lamang ang magiging reaksyon ni Adrian. He was so done with them.
Nang umupo na sila ng maayos para makakain na, doon lang ako nagsandok ng pagkain ko.
“What are your thoughts about the upcoming event, Adi?” tanong ni Cyrus.
Tumayo si Adrian sa kinauupuan at pinatong ang parehong kamay sa lamesa. “The upcoming event is for the after holidayʼs celebration.” tinignan niya kami ng isa-isa. “We might as well surprise the crowd.”
“Ano kayang pwede nating i-perform?” Seven tapped against the glass top of the dining table.
“Something new and unexpected.” I spoke.
“Mukhang may genius idea ʼyang si Zachy. Letʼs hear it.” Primo was smirking as if he knows that my idea would really pop.
Tumango ako at nginitian siya. Bumaling ako kay Adrian na nakakunot na ang noo. “Would you be interested to hear me out, Adrian?”
He seemed as calm as ever even though heʼs quite curious. “Go ahead.”
“I want to have my solo performance.” panimula ko.
“Anong bago roʼn, Cus?” tanong ni Cyrus. “May mga solo performance naman tayo ʼpag may mga event. Sariling spotlight kumbaga.”
He misunderstood what I just said. When I say it is something new and unexpected, I would stick to what I say. Whatever it may be.
Umiling ako. “Ang ibig kong sabihin, hindi ako sasama sa performance ng Aces.” paglinaw ko.
Si Jonas at Seven sabay na nagulat. “Youʼre leaving the group?!”
Mukhang hindi rin nila nakukuha. Umiling ulit ako. “Nope.”
“May hinahanda kasi akong performance para kay Frankie.” dugtong ko sa sinabi ko kanina.
“Ohh! Lover boy naman pala!” pang-asar naman nila Andy.
“Let me explain.” malakas na bigkas ko sa harap nilang lahat. I swear to throw glares to anyone who will interrupt me. Natahimik naman sila. “I was planning to ask her out after the event. ʼYung performance ko ang magsisilbing tulay para makuha ko ʼyung ‘ooʼ niya.”

BINABASA MO ANG
Missed Pages ✔︎
Teen Fiction[COMPLETED] TO HEAL SERIES BOOK 1 August 17, 2022 - August 29, 2023