Chapter 5

46 2 0
                                    

LIKE THE USUAL

“Ay kasama mo pala si Pacer?” tanong ni Cyrus kay Primo na nakatingin lang sa paligid. Napatingin ako sa tabi ni Primo at nakita si Pacer.

We were hanging out at the schoolʼs court. Kakatapos lang ng PE namin at saktong free time rin nila Adrian, pati na ang iba pang miyembro ng aces.

“Yeah, any problem with that?” angal ni Primo. Hindi na lang siya pinansin ng mga kasama namin.

“Hello!” bati ni Pacer sa aming lahat.

Kumaway lang ako saka sinabayan ng ngiti at pagtango. Mahina ako pagdating sa socializing kaya hanggang kaway na lang ako.

Nakita kong tumayo si Adrian sa bleachers. Tinignan niya kami nila Cyrus, Andy at Primo na nakaupo sa sahig ng court. “Mauuna na ako, nag-text si Calvin na parating na raw ʼyung prof namin.” ani Adrian.

“Sige pre. Kita na lang ulit tayo mamayang breaktime.” sabi ni Seven tapos umalis na si Adrian.

“Nga pala,” ani Primo. Napalingon kaming lahat sa kanila. “Paturo raw sumayaw si Pacer.”

Bahagya namang sinuntok ni Pacer ang kuya niya. “Wala akong sinabi!” angal nito.

“Anong wala? ʼDi ba kailangan niyo ʼyon sa Physical Education niyo?” tanong ni Primo.

Nagbaba ng tingin si Pacer. “Nakakahiya naman kasi magpaturo sa kanila.” anito. “Nakakahiya na magpaturo sa mga idol ko!”

“Talaga? Idol mo kami?” tinutukso na naman ni Primo ang kapatid niya.

Tila kumislap ang mata ni Pacer dahil sa sobrang pagkabilib. “Oo kaya! Ang galing niyo ngang sumayaw eh!” he cheerfully said.

“For sure, Iʼm your favorite among us.” Primo stated. Being boastful without clarifying to his brother Pacer if itʼs true.

Natatawang umiling si Pacer, “Hindi kita kailanman magiging favorite dancer, Kuya. Mas magaling pa ngang sumayaw sa ʼyo si Kuya Marcus e!” masayang saad niya saka tinuro ako gamit ang kaniyang thumb.

“Mas magaling pa nga ako sa leader namin eh.” Primo scoffed.

“Ah talaga ba, Primo?” sumingit naman itong si Seven sa pag-aasaran ng magkapatid na Calixto.

“Oo!” Primo was that confident to shout it out. “Bakit? Totoo naman ah.”

“Ikaw nga pinakapanget sumayaw e.”

“At least ako may abs!”

“Abs reveal nga kung meron talaga?”

“Do you really wish to see it?”

“Nah. Iʼve change my mind.” then Seven cut him off. “Wala naman akong makikita sa katawan mo.”

“Tanggapin niyo na kasi na bukod kay Adrian, ako ang pinakamagaling.” sabi ko sa kanila. It wasnʼt my intention to piss them off. I meddled because I just want them to stop. Ang iingay eh.

“Oy nagsalita si Zachary.” nagbulungan si Seven at Primo. Kanina lang ay nagtatalo, ngayon tila walang nangyari. Daig pa nila ang mga babae kung mag-usap sa sobrang daldal.

Missed Pages ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon