Chapter 17

38 2 0
                                    

BUTTERFLIES

“Cyrus?” Someone called Cyrus from my back. It seemed familiar though.

When I turned to know who it was, I saw Marcus. What was he doing here?!

“And... Miss Denver?” tumingin si Marcus sa akin.

“Marcus, saan ka pupunta?” tanong ni Cyrus. Hindi ako makapaniwalang nakatayo ako sa gitna nilang dalawa. Gusto ko nang umalis at magpunta na sa klase ko dahil male-late na ako.

“Sa studio, may general rehearsal ang mga studyante ko ngayon.” ani Marcus. Diretso lang siyang nakatingin kay Cyrus and as usual, no emotions are shown on his face. Napalingon ako kay Cyrus na naghihintay pala ng susunod na sasabihin ni Marcus. I wasnʼt shocked even a bit. Me and Cyrus receive nothing but a frown from Marcus.

“Ah...” Tumango-tango na lang si Cyrus. “Sige, mauuna na ako.” dagdag pa niya.

Sobrang awkward dahil hindi man lang tinanong ni Marcus ang kaibigan niya kung bakit din siya nandito. Kung hindi ako nagkakamali, magkaklase sila. Hindi man lang ba siya magtatanong sa kaibigan niya o mangangamusta lang?

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya magugustuhan. Hindi naman sa sinasabi ko na wala siyang pakialam sa kaibigan niya pero parang hindi lang talaga siya palatanong. Who am I to judge their friendship? Hindi naman siya siguro tatagal sa Aces kung ganoon siya makitungo sa kanila. I guess heʼs just super quiet.

Habang pinapanood ko si Cyrus na makalayo at mawala sa paningin ko, bigla kong narinig ang sadyang pag-ubo ni Marcus. “Hindi ka pa ba papasok sa klase mo?” tanong niya bigla.

Nang lingunin ko siya, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Umiwas siya ng tingin dahil sa gulat. “May klase ka ʼdi ba?”

“Ah oo, bakit?” bumawi ako ng tanong sa kaniya.

Instead of talking to me, he gave me a doubting look. Mukhang inaasahan niyang magpapaliwanag ako kung ano ang ginagawa ko rito ngayon sa may corridor.

Bumuntong-hininga ako at handa na akong magpaliwanag—even though I donʼt owe him my reasons. “Nakasalubong ko si Cyrus at nag-usap kami saglit.” saad ko.

When his facial features softened, I finally felt relieved. It seemed that he was satisfied with my answer. Just what does he think Iʼm doing here with Cyrus? Hindi naman niya siguro iniisip na may namamagitan sa amin ʼdi ba...?

“Anyways, alam ko malapit lang ʼyung classroom mo sa studio kung saan ako pupunta ngayon. Sasabayan na kita maglakad, pareho lang naman tayo ng dadaanan.” paanyaya niya. Tila ako nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

“Ah oo nga.” tanging nasabi ko na lang. Nagsimula na kaming maglakad.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan na mailing dahil sa tindi ng pagkatahimik niya. Heʼs the most introverted among the introverts that I know. Kaya naman naisipan ko na ako na ang magsimula ng usapan. Pero bago ako magsimula magsalita ay naunahan niya na ako.

“How is your sister doing?” he asks as he tilts his head just so he could look at me. I looked up to him and this was the first time that I could see the difference between our heights. He was damn tall—He was tall like my favorite fictional men. Kung ikukumpara ko siya sa mga lalaking main characters sa mga librong nabasa ko, their features seems to have just a bit of difference.

“Sheʼs going to be fine sooner.” I said, pulling up enough certainty. I need to at least make myself sound convincing even if I really donʼt have an idea if my sister will get better sooner.

Missed Pages ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon