Chapter 5

2.6K 77 4
                                    

Chapter 5

"Kapag nakita ko ang Mac na 'yon, makakatikim siya sa'kin ng salita... Pasalamat siya't hindi ko siya naabutan..."

Nanggigigil na boses ni Tita ang gumising sa akin, kinaumagahan. Matutulog pa sana ako dahil may kaunting oras pang natitira bago tumunog ang alarm ngunit bumangon na ako nang marinig ko ang pagtatawag ng uwak ng kapatid ko.

Suka siya ng suka sa bathroom nang makalabas ako ng kuwarto.

"'Yan! 'Yan! Anong napala mo sa alak?" Sermon ko sa kanya habang sinusuklay ang medyo kulot kong buhok gamit ang pagitan ng mga daliri ko. Tita was soothing my brother's back while he continued to kneel and puke in the toilet bowl.

Tumingala siya sa akin, matapos punasan ni Tita ang bibig niya. "S-akit u-lo ko, sa-kit tiyan ko, ma-nang," sabi niya sa kaawa-awang tinig. Bahagya pa siyang nakalabi and his gentle face showed signs of discomfort.

"Ikukuha kita ng tubig," sabi ko ngunit napasinghap ako dahil bumangga ako sa matigas na bagay, pagkaatras ko.

The man with the alluring charm has came! He was wearing his executive suit and holding a glass of water at his side. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakamaang lang ako ngunit umusog sa gilid para makadaan siya papasok sa bathroom.

"Water po, Ma'am. Ako po ulit ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ng mga kaibigan ko," aniya sa mababang tinig. Hindi sumagot si Tita, kinuha niya ang tubig at ipinainom kay Josue.

Nahigit ko ang hininga ko nang sa akin naman siya tumingin. For a brief moment, our gazes were locked.

Napansin ko ang paggalaw ng Adam's apple niya at lumunok siya ng mariin habang naglalakbay ang tingin niya mula sa aking mga mata pababa agad sa dibdib ko.

Nag-init ang pisngi ko.

Doon ko lang napagtanto na nagpalit ako ng white sando kagabi dahil sobrang init. Wala akong suot na bra kaya bakat ang pink nipples ko! Then I noticed how the corner of his lips formed a lopsided grin. Kaagad ako ng tumalikod sa kahihiyan. Pumasok ako sa kuwarto ko at ini-lock iyon, abut-abot ang kaba sa dibdib ko.

Wala sa sarili kong tiningnan ang dibdib kong hindi kalakihan. Pota! Gusto kong magwala! Nakakahiya! Sinabunutan ko ang sarili ko sa inis. Bakit siya nandito? Kay aga-aga?!

What a way to begin the day!

Naligo na lang ako habang minumura ko ang sarili ko dahil sa inis na nararamdaman ko. It was so humiliating on my part. Was my boobs that small kaya siya ngumisi? Does he prefer a bigger one?

Member ba siya ng SMPM? Samahan ng mga Mahihilig sa Papaya at Melon?

Ay, ewan! Ayaw ko nang mag-isip.

Dinig ko ang usapan nila ni Tita tungkol sa chinese herbal tea na dala ni Jacques para raw sa hangover ng kapatid ko. Pati siya ay hindi rin nakaligtas sa sermon ni Tita. Bakit niya raw hinayaang painumin ang kapatid ko gayong nagme-maintain ito ng gamot.

"I apologize, Ma'am. Wala po talaga akong alam na kasama nila si Josue. Kung alam ko lang ay hindi ko na sana ibinigay ang susi ng mansyon sa kanila."

Marahas na huminga si Tita. "Pasensiya ka na at pati ikaw ay nadadamay sa galit ko sa mga kaibigan mo. At pagpasensiyahan mo na rin itong pamangkin ko kapag bigla-bigla siyang susulpot sa inyo."

"Wala pong kaso iyon sa 'kin, Ma'am. I'm good with Josue being around."

Marami pa silang pinag-usapan. Tsaka lang ako lumabas nang marinig ko ang pagpapaalam niya kay Tita, maging kay Josue.

Sa pag-upo ko sa hapag-kainan ay si Josue naman ang sinermunan ni Tita. "Ano? Iinom ka pa?" Bakas sa anyo niya ang galit ngunit alam kong concern lang siya sa kapatid ko.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon