Prologue

6.6K 154 32
                                    

Prologue

"Ukininana kitdi ti kastoy nga biag, makauma!"
"Fuck this kind of life, boring!"

Umirap ako sa hangin habang sinusundan ko si Avril, paakyat ng VIP floor kung nasaan ang sinasabi niyang mga bisita. Habang naglalakad kami ay nadadaanan namin ang ilan sa aming mga patron dito sa Serene and Loud Restobar. Binabati nila ako at kumakaway naman ako na nakangiti. Sa halos mahigit isang dekada ko nang nagtatrabaho dito ay kilala na ako ng lahat ng mga customers namin.

"Sino ba iyon? Bakit ako pinatatawag?" tanong ko sa kanya.

"Si Sir Almerino," maikli niyang sagot. Lumingon siya sa akin at bakas sa ngiti niya ang panunudyo.

"S-sinong Almerino. Si Koko?" nauutal kong tanong. Biglang sinakmal ng kaba ang dibdib ko.

Nagningning ang mga mata niya at sinabing, "Bakit naman mapupunta si Koko sa VIP Room, e, nag-out na siya kanina pa?"

"Sino nga?!" Nagsisimula nang uminit ang ulo ko. Ang daming hanash nitong babaeng 'to, hindi pa sabihin kung sino. Natataranta na ako sa loob-loob ko.

"Si Sir Jacques!" Napahawak pa ang dalawang kamay niya sa pisngi niya at para bang kinikilig na nag-iimagine.

"O..." Tanging nasabi ko na lang.

"Akala ko ba nakamove-on ka na sa asawa mo? Bakit parang affected ka pa rin?" Tanong niya sa akin.

Pinigilan kong mapairap. "Correction, ex-husband. Divorce na kami."

Akala ko noon ay happy ending ang love story namin ngunit sa ganito pala hahantong ang lahat ng sinimulan namin. Sana hindi ko na lang siya pinatulan. Sana tahimik pa rin ang buhay ko ngayon.

Pumalatak siya. "Sayang naman. Ang saya ninyo pa naman noon."

"Lahat ng saya, may hangganan at ito na iyon. Doon na lang magtatapos ang istorya ng buhay namin."

Hindi na siya muling nakapagtanong dahil pumasok na kami sa VIP Room. Napahawak ako sa puso ko, kabado ako ngunit huminga ako ng malalim.

Wala kang dapat na ikatakot dahil hiwalay ka na sa kanya. Bulong ko sa sarili ko.

"Sir Jacques, Miss Faith. Narito na po ang manager namin, si Miss Jenalyn Salas."

Hindi ko sila tiningnan.

Bagkus, napatingin ako pinakagitna dahil agaw eksena ang mga nakalagay roon. There are a lot of white and pink balloons. Bulbs and buttons shaped into a large heart with rose petals inside. Nakabitin ang ilan sa mga larawan nilang magkasama at sa ibaba niyon ay ang dalawang salita, pitong letra. It was a white light-up letter that said, MARRY ME.

 It was a white light-up letter that said, MARRY ME

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matutuloy din pala ang kasal nila.

Ang kasal na dapat matagal nang nangyari kung hindi dahil sa pag-eksena ko.

They still ended up with each other. Naniniwala na tuloy ako sa kasabihang, "if it's meant to be, it will be..."

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon