Chapter 11

2.2K 54 10
                                    

Chapter 11

I'm on the verge of falling for him, which is downright terrifying. Is this even logical? Yes, I've known him for a long time, but it's only been five days since we've become closer.

However, amidst the short amount of time I spent with him, I was able to sense how attentive he is to me. How tender he is with my Tita and Josue.

How he went out of his way to do things for me. Ang paggising niya ng madaling-araw para sunduin ako. I know it's too soon to tell, but I could tell he genuinely cares about me. When he tucks my hair behind my ear, and massage my hands and feet, I can tell how much he cares for me.

'Yong mga tingin niya sa akin na walang halong pagnanasa, 'yong pagpaparamdam sa akin na sapat ako kahit marami akong kapintasan.

How he considers my comforts and likings, as well as the people around me.

He compliments every aspect of me, including my flaws.

My curly hair, which he knows I inherited from my Aeta mother. My olive skin, which he adores and which I inherited from my father, who is of Spanish descent. Ang height kong ilang pulgadang sobrang layo sa height niya. My crooked teeth, which he also likes, and my full lips, at which he loves staring at.

Lahat gusto niya sa akin, pati na ang pagiging boring kong kasama, ayos lang sa kanya.

"Josue said you were going to the mini-grocery later. Can I come?"

His baritone voice jolted me awake from my slumber. Nahalata niya ang matagal kong pagtitig sa kanya kaya napakagat-labi siya. Nginitian pa niya ako. "You okay?" malambing niyang tanong habang naglalakad siya papalapit sa akin.

Josue, on the other hand, is pouring some dog treats into the snuffle mat while Milo patiently waits for him.

"Alyn, are you tired?" May lakip na lambing na tanong niya nang makalapit na siya.

Umiling ako, bahagyang nakangiti. "Hindi naman. Naaliw lang ako sa galing mong magpiano. Natulala ako. I am curious about something," I said.

Umupo siya sa tabi ko ngunit naglaan siya ng espasyo sa pagitan namin. "What is it?"

We were both looking at Josue and Milo now. "Nasubukan mo nang mag-perform sa entablado?"

"I did, and I still want to. Wala lang extrang time." Kuwento niya. He leaned his back on the sofa.

"Talaga?" manghang tanong ko, bahagyang lumaki pa ang mga mata ko at nilingon ko siya.

"Yep." Dumukwang siya sa center table at kinuha niya ang phone niya mula roon. Naka-off iyon kaya ni-restart pa niya kaya ilang segundo ang hinintay namin bago mag-on iyon.

"Bakit naka-off? Sayang naman, baka may tumawag na importanteng tao..." alalang sabi ko.

He stared intently into my eyes. "Wala nang mas iimportante pa kaysa sa dalawang taong kasama ko ngayon, Alyn."

Napanganga akong muli sa banayad na pagkakasabi niya ng mga salitang iyon. "Hindi ako nakikipagbiruan, Jacques."

Napapikit siya at bahagyang huminga ng malalim. "Say my name again, Alyn..."

"Sira!" Tumawa ako at hinampas ang hita niya. Para kasi siyang baliw na nakapikit na parang dinadama ang pagbanggit ko ng pangalan niya.

Umupo siya at nagseryoso ang mukha niya. "I just want to spend my entire time with you. Bihira lang 'yong ganitong pagkakataon kaya hindi ko sinasayang. Kinausap ko naman ang dapat kong kausapin bago ko pinatay ang telepono ko," aniya.

He then played a video clip of himself performing on stage in front of a large crowd. Deep inside, I'm so proud of him as I watch him effortlessly touch the piano with his soulful piece.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon