Chapter 18

1.6K 57 5
                                    

Chapter 18

"Puwede na siyang maging videographer," puri ni Jacques nang panoorin namin ang video na kinuhanan ni Josue kanina. Kapwa kami napapangiti dahil pati ang paghalik ni Jacques sa akin ay na-videohan din niya pati ang mga maningning na bituin na nakalinya sa kalangitan.

"I had a good time with you." I told him.

"Me, too," he replied.

Magpapaalam na sana siya ngunit pinigilan siya ni Josue dahil pundido raw ang ilaw sa kaniyang kuwarto.

"Ako na," sabi ko ngunit naunahan na ako ni Jacques. He went into the kitchen to find a chair. Ako naman ay kumuha ng spare bulb sa kabinet na nasa sala. "Kaya ko naman magpalit. Ako nga ang gumagawa ng mga sira dito sa bahay," pakikipagtalo ko pa.

He chuckled amusedly. "You really know how to make someone believe that you can do everything on your own, Alyn. Allow me to do this. Maliit lang naman na bagay 'to."

"Your mom will probably criticize me on letting you do this."

He tsked. "I also do maintenance at our house, so this isn't a big deal."

He then settled up in the chair, and my gaze wandered from his muscular legs to his exceptionally carved butt. Napapailing na lang ako at pinigilan kong mapangiti. Nang matapos siya'y atubili pa siyang umuwi kaya inaya ko na lang siyang mag-movie marathon.

Pero bago iyon, nagprisinta siyang magluto ng popcorn. Iyong ready to cook na at isasalang lang sa mainit na kawali.

Makalipas ang sampung minuto, umupo kami sa rattan na sofa at nanood ng Indecent Proposal. The popcorn was in between us, and I could feel the spark every time our hands touched each other whenever we picked up a piece of popcorn, and I could see him stifle his smile.

"You may come a little closer. I only kiss and don't bite." He said in his serious tone.

Nagsisimula na naman po ang Manong.

The female protagonist then narrated the movie at the start, saying, "Someone once said, if you want something very badly, set it free. If it comes back to you, it's yours forever. If it doesn't, it was never yours to begin with."

Nagkatinginan kami ni Jacques at may kung anong emosyon sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Maybe hope? Love? I don't know.

Naalala kong ilang linggo na lang ang ilalagi niya rito kaya I let down my guard around him. I scooted closer to him, closing the distance between us. So close, in fact, that I can feel the warmth of his arms on mine. I put the popcorn in my lap. "Would you mind if I sat on your lap?" I make fun of him.

His brow arched upward. "You can't do that. We're in your Aunt's place," he muttered in my ear.

Pinigilan kong mapangiti. "You're a very traditional guy," I playfully mocked.

"You could say that." He rested his arm on the back of the sofa behind me, his hand resting on my shoulder. "I was raised by my grandparents as well as my parents and they taught me the sanctity of making love."

Tinambol ang puso ko. So he is a virgin? Napapikit ako ng mariin at kinalma ko ang sarili ko. May mga lalake pa rin palang tulad niya. Hindi na ako muli pang nagtanong dahil naging awkward na. Biro lang naman ang sinabi ko kanina pero sineryoso niya.

Kapwa kami natigilan nang mainit na ang eksena ng dalawang bida. Iniyuko ko ang ulo ko, kunwaring kumukuha ng popcorn at iniwas ang tingin ko sa telebisyon.

"They are both naked now," pagsasadula ni Jacques. Nang tingnan ko ang screen ay napahalakhak siya. Hinampas ko ang braso niya. It's firm and iron clad kaya ako ang nasaktan. Ni hindi man lang siya umaray. "Do you want to try another movie?" Kusang umusli ang kanyang labi.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon