Chapter 40

1.8K 47 16
                                    

Chapter 40

"Nala naman! Hindi mo man lang tiningnan! Inubos na ang alak, o!"

I can hear Tina's voice in the background as I lay my face on the table. Umiikot na kasi ang mundo at paningin ko. Mabilis akong tinamaan ng rum na ininom ko.

Naramdaman ko ang pagyugyog niya sa akin. Itinaas ko lang ang kanang kamay ko.

"Are you okay?" She asked, gently cupping my face and making me face her.

Nakapikit ako, pero tumango ako. "I'm okay," I mumbled.

Narinig ko ang isang tunog ngunit hindi ko alam kung sino ang hinampas ng kung sino. "Ikaw kasi! Nakatutok lang siguro kay Sir Almerino ang mga mata mo!" si Tina.

I couldn't stop myself from curving my brow.

"Wait! You know him?" Nala asked excitedly. "Ipakilala mo ako dali! Kanina pa siya tumitingin dito sa gawi namin! Feeling ko, na-love at first sight sa akin..."

Nagmulat ako ng mga mata. Inaninag ang kanilang mga mukha. Nakita kong hinampas ni Tina si Nala sa braso, hawak pa rin niya ako sa kaliwa niyang kamay. "Puro ka pogi kaya walang nagseseryoso sa 'yo!"

"Malay mo, siya na ang true love ko!" Halos tumili sa kilig si Nala. She even cupped her face dreamily, thinking of the guy who just performed this night.

Hindi ko napigilang iikot ang mga mata ko because she seemed to be unable to hold back her high spirits.

Ano naman kung liligawan niya nga talaga si Nala? Wala ka nang pakialam doon! You are already his ex-wife, and you divorced years ago.

"Huwag kang ilusyunada! Hindi ikaw ang tintingnan ni Sir Almerino!" Tina faced me again and cupped my face. She helped me get up. Inilagay niya ang mahabang bangs ko sa likod ng tenga ko, then she mysteriously smiled at me. "He is bound to get someone else here," she continued. I could even sense the excitement in her aura.

Ngumuso ako kasabay ng muling pag-ikot ng mga mata ko. Tina knows about my life story, including my divorce from that guy.

"Y-you set me up?" I said it in quite slurred words.

But she shook her hand. "Gaga ka! Kanina ko lang din nalaman bago ako bumaba sa cabin mo. He was introduced by our captain, tapos sinabi niyang ako na raw ang bahala sa bisita," bulong din niya.

"Hoy! Ano nang pinagbubulungan niyo riyan?" Nala tried to separate us, causing me to stumble on the ground, but before my whole body hit the floor, someone's hand smoothly gripped my waist. Sumuporta naman ang isang kamay niya sa batok ko.

"Ano ka ba, Nala? Ang clumsy mo talaga!"

I heard Tina's indistinct voice, but all I could hear now was the loud thumping of my heart while I was in the arms of the man that I hated for years.

"Are you alright?"

Gusto kong mapapikit sa lamyos at lalim ng boses niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. I didn't respond and quickly got out of his arms. Lumingon ako kay Tina at tumingin sa kanya.

Tina bit her lower lip and walked near us. "Ayos lang siya, sir." Hinawakan ako ni Tina at inalalayan sa balikat.

"I'll handle her," Jacques said in a deep and low voice. Akma pa ulit akong hahawakan ngunit umatras ako. I noticed how his jaw clenched.

"Hindi, Sir. Ako na lang," Tina insisted. Hinawakan niya nang mahigpit ang balikat ko para ipirmi ako sa puwesto. Umiikot pa rin kasi ang paningin ko.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon