Chapter 22

1.5K 40 11
                                    

Chapter 22

Lunch was satisfying. Puro tungkol sa lupa at negosyo ang pinag-usapan nila habang nasa hapag kami. Tanging silang mag-anak lamang ang nagsasalita. Mabuti na rin iyon dahil wala naman akong iaambag sa usapan kung sakali.

"Babalik din ako kaagad," paalam ni Jacques sa akin noong matapos na kaming kumain.

Pumasok siya sa opisina ng kanyang ama. Naging abala siya sa pakikipag-usap sa ilang mahahalagang tao. Perhaps it had something to do with the land we talked about earlier, because I heard Mr. Ponce was one of the four people who arrived.

Ang kapatid ko naman ay tuwang inakay ni Senyor Clark Wright  sa kuwarto ni Iñigo. May mga naiwan daw siyang robot blocks doon. Ni hindi na nga nakapagpaalam sa akin si Josue sa sobrang kasabikan niyang maglaro.

"Hija, kung pagod ka sa biyahe ay magpahinga ka muna. May inihanda kaming kuwarto para sa inyo. Pagpasensiyahan mo na at abala ang lahat," ani Senyora Aurora.

Katatapos lang naming dalawa na mag-tsaa.

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi naman po ako pagod, Senyora."

Ngumiti din siya sa akin. "Buweno, maiwan na kita at ako'y magsisiesta," aniya.

Umakyat siya sa grand staircase at nang tumapat siya sa pinakagitna ay napansin ko ang isang napakalaking family painting na nakasabit sa pinakasentro ng dingding. Kumpleto sila roon. Nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ng mga Chinese. Nasa pinakagitna ang mag-asawang Thylane at Jackson, sa kanang bahagi ni Don Jackson ay ang kanyang mga magulang. Sa kaliwang bahagi naman ay ang mga magulang ni Donya Thylane. Nasa paanan nila ang dalawang kapatid ni Jacques habang nakatayo naman sa pinakalikod ang bilyonaryong binata. They all appeared formal, and no one was smiling.

Nang sumakit ang leeg ko sa kakatingala ay nagpasya akong maglakad patungong veranda. It has a great view of the pool and the Negros Oriental across the strait. Tanaw doon ang napakalinaw at mangasul-ngasul na dagat ng Santander. Sa 'di kalayuan mula rito ay may isang gazebo na yari sa marmol, malapit sa bangin na nakatunghay sa dagat.

Sa kanang bahagi naman ay may isang umaandar na inclined elevator. Marahil iyon ay ang access para makapunta sa dagat sa ibaba.

Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang lamig na dulot ng hangin ng Disyembre.

The locale was serene and majestic, with birds chirping and househelps going about their business nearby, frequently greeting me with a friendly wave.

Kasalukuyan silang nag-aayos ng mga mesa at upuan samantalang may iba namang nag-si-set-up ng string lights at sophisticated round bulbs sa kabuuan ng malawak na bakuran.

"Senyorita, maaari ka raw mag-swimming kung gugustuhin mo. May nakahanda pong mga swimsuit sa kuwarto mo," alok ni Helena, isa sa mga kasambahay.

"Hindi muna. May maitutulong ba ako?" tanong ko.

She was carrying an imported wine box. Agad niya itong ipinasa sa akin kaya napanganga ako ng bahagya sa gulat. Rinig ko ang paglagutok ng galanggalangan ko dahil may kabigatan iyon. Wala akong choice kundi maglakad at ilagay iyon sa kusina.

"Marami pang box sa labas, Senyorita!" sigaw niya sa akin nang  makita niyang iniikot ko ang masakit kong kamay.

"Sige. Sunod ako!" sabi ko at nagawa ko namang tumulong sa kanya.

Tanaw mula sa malawak na bakuran ang hindi magkaugagang bulto ni Donya Thylane. Maya't-maya ay may kausap siya sa hawak niyang phone habang itinuturo sa mga tauhan kung saang mesa ilalagay ang mga bulaklak ng peonies, roses at calla lilies.

Halos kalahating oras yata akong tumulong sa pagbubuhat ng box. Sumuko lang ako noong hindi na kinaya ng kamay ko. Tagaktak na rin ang pawis sa noo, pati sa likod ko.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon