Chapter 14

1.5K 49 3
                                    

Chapter 14

Kumilos ako ng normal pagkabangon ko, ni hindi ko ipinakita sa kapatid ko na masakit ang sikmura ko dahil sa natamo kong malakas na suntok galing sa client ko.

"Y-you're also drin-king v-vitamins to stay healthy, Ma-nang?"

Muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong aluminum na baso dahil sa bigla niyang pagsulpot sa likod ko. Niyakap niya ang braso ko at bahagyang dinampian ng halik gaya ng ginagawa niya tuwing naglalambing sa akin.

"Oo, para strong si Manang palagi," sagot ko sabay lagay ng capsule sa bibig ko. Gamot iyon upang mabawasan ang pamamaga at pananakit ng tiyan ko. "Kumain ka na ba?" Umupo ako sa harap ng hapag.

He nodded quickly and sat in front of me. "Ikaw? Ba-kit hindi ka kakain?" Alala niyang tanong.

Ngumiti ako, tumayo at ginulo ang buhok niya. "Diet si Manang ngayon."

"Diet? Pa-yat na nga ang Ma-nang ko, ba't diet?" Pangungulit niya habang nakatingin sa akin. Milo jumps up next to his chair and casts a glance my way. Sa araw-araw na nakikita ko siya rito sa loob ng bahay ay nasasanay na ako sa kanya. Huwag lang niya akong lapitan at kagatin dahil isasauli ko siya sa boss niya.

"Mabigat na si Manang kaya diet muna ako. Kakain din ako mamaya sa S & L."

"Sa-bi mo 'yan, a? Kain ka... Dapat huwag magpapa-gutom," paalala niya. Nangingiti lamang akong nakikinig sa kanya. Nakuha niya yata sa akin ang pagiging maalalahanin. "Tawag natin si Ja-nus... Baka hindi na 'yon nag—aaral..."

Ginawa ko nga ang sabi niya. Agad kong tinawagan ang bunso naming kapatid. Josue got to his feet and moved to my side and stood behind me. Yumuko siya ng kaunti para makita ang mukha niya sa screen ng phone.

After five rings, Janus picked up the video call. "Op!" sagot kaagad niya. He was wearing his all-white uniform at napakalinis niyang tingnan. Bagong pomada pa ang kulot niyang buhok. He had a wrinkled brow and protruding lips. "Apay?"
(Bakit?)

"Wala lang, bawal ka bang tawagan? Pera lang ba ang dahilan sa communication natin?" sagot ko na nakataas ang kilay.

"Oo nga. Bad ang gan—yan, ading. Uray awan ti kasa—pulam, sapay koma ta tumawag ka latta tapno makisarita kada—kami," sermon ni Josue. I grinned once more, loving how much he is starting to resemble me.
(Kahit wala kang kailangan, sana tumawag ka pa rin para kausapin kami.)

"Nag-ha-house-to-house visit kami. Mamaya na lang kayo tumawag." Reklamo ni Janus. Halata ang inis sa mukha niya dahil magkasalubong ang kilay niya.

"Oh, gano'n ba? Patingin kung true?" Napangiti agad ako dahil nagkamot siya ng ulo. He was unashamedly displaying his annoyance towards us. "Padadalhan pa naman kita ng 1k. Nagbago na ang isip ko."

"Huwag na padal—han, Ma-nang. Natangsit..." Josue giggled.
(Siya ay mayabang)

"O! Yan! Yan!" sabi niya habang iniikot ang video sa paligid niya. Nakita ko ngang kasama niya ang mga kaklase niya at ang iba ay nasa ibang kabahayan. May hawak silang papel habang kinakausap ang mga tao roon. "May allowance pa ako rito. Pero kung dadagdagan mo talaga, thank you, manang ko!" masigla niyang sigaw.

Pinadalhan ko nga siya ng araw ding iyon. Pumasok din ako sa S & L at pangkaraniwang araw lang iyon dahil hindi pa naman peak season. Nang magbreak-time ako ay umidlip ako sa staff house.

And when I returned to work, I was still burdened by a stomach ache that made it impossible for me to stand upright. When Liwayway suddenly began to experience menstrual cramps, I was forced to take over her responsibilities at table 10. My pre-bussing of the table began.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon