Chapter 34

1.5K 48 10
                                    

Chapter 34

Dahil focus ako sa pagtapos ng parehong thesis at OJT ko, halos hindi ko na makatagpo ang mga tao sa villa. 

Walang laman ang sala pareho kapag umuuwi ako ng gabi galing sa OJT at pagtatrabaho sa restaurant at kapag pumapasok ako sa community college kapag umaga.

I was so busy that even on weekends, I wouldn't notice their trips.
 
Isinama ni Jacques ang kanyang mga kapatid at si Josue sa isang pamamasyal sa Gardaland. Nang sila ay umuwi, maraming kuwento ang ibinida sa akin ng kapatid ko.
 
"Y-you should've joined us, M-manang! I enjoyed the raptor ride and the blue tornado. T-atlong beses kaming sumakay..." Tuwang kuwento niya habang inilalapag ang stuff toy na elepante sa study table ko. Binili raw niya iyon para sa akin.
 
"Talaga?" tanong ko habang pinapasadahan ng mga mata ang papel na hawak ko.

Thesis defense na bukas at kailangan kong galingan. I want my husband to be proud of me. Gusto kong iparating sa kanya na hindi sayang ang pagpapaaral niya sa akin. Days from now, matutupad na ang napagkasunduan naming pagbabayad ko sa study now, pay later agreement namin.
 
Narinig ko ang pagbukas at malakas na pagsara ng pintuan ng kuwarto ko. Napasinghap ako ngunit ibinalik ang pansin sa binabasa. I don't want to get distracted now. I locked the door. Mamaya ko na aaluin ang kapatid ko. Ngunit nakaligtaan ko dahil sa patuloy kong pag-aaral.
 
Madaling-araw na nang matapos ako. Bumaba ako sa kitchen at wala nang katao-tao.

I settled on cooking ramen. Nagsalang ako ng mainit na tubig; hindi ko na binuksan ang lahat ng ilaw sa kusina. Tanging ang ilaw lang malapit sa stove and ini-on ko.
 
"'Yan lang ang hapunan mo?"
 
Napahawak ako sa puso ko sa gulat. Muntik pang mabitiwan ang hawak kong kaserola. Kinuha iyon ni Jacques mula sa akin.
 
"Huwag mo nang ilagay sa mangkok. Diyan na ako kakain," sabi ko nang akma niyang bubuksan ang cupboard.
 
"You should at least eat a healthy meal. Puwede mo namang iinit ang mga pagkain na nasa ref," aniya sa mababang tinig

Hindi niya sinunod ang sinabi ko. Isinalin pa rin niya sa mangkok ang ramen.

"Hindi ko naisip 'yon... Medyo inaantok na kasi ako."

He blew it out before handing it to me.
 
"Thank you," I said.
 
Hindi siya sumagot. He just watch me intently habang inuubos ko ang pagkaing nasa harap. Hanggang sa matapos ako ay hindi na siya nagsalita. Kahit noong inihatid niya ako sa kuwarto.

"Galit ka ba?" naninimbang na tanong ko. He is standing on the doorstep. Ilang buwan na kaming mag-asawa, pero hindi pa rin siya tumatabi sa akin.
 
"I'm not. Just focus on yourself. Graduating ka na kaya marami nang ginagawa."
 
I pouted, lifting my hands to hug his waist.
 
He cupped my face and stared affectionately into my eyes. "I understand your situation. Pinagdaanan ko rin yan." Yumuko siya at hinalikan ako sa labi. My eyes immediately shut upon feeling his tongue linger inside my mouth. Naramdaman ko pa ang pagpangko at paglapag sa akin sa banyo. His watchful eyes lingered on me as I brushed my teeth. He also waited patiently until I finished showering.

Nag-iwas siya ng tingin noong lumabas na akong may tapis ng tuwalya sa katawan. Napangisi ako. I entered the wardrobe room and put on my pajama. 
 
Sumunod siya sa kama noong lumabas ako. Tumabi sa akin.
 
"You look so tired, baby. You deserve a grand vacation after all of this."
 
Ngumiti lang ako at yumakap, sumiksik pa lalo sa dibdib niya. He stroked my soft curls. He stretched his arms. Doon niya ipinuwesto ang ulo ko. Napapikit ako sa init na ipinapadama ng mga kamay niyang humahaplos sa tiyan ko.
 

"I'm so proud of you because you've reached this far."
 
"Really?" Bahagya nang pumipikit ang mga mata ko, hinihila na ng antok at pagod.
 
"Yes. I am really proud of you."
 
"Sana okay lang sayo kapag nag-fail ako sa defense," mahina kong sambit.
 
"Fail or not, I'd still be proud of you. Hindi sukatan ang defense sa lahat ng hirap mo sa pag-aaral at pagtatrabaho."

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon