Chapter 30

1.8K 50 27
                                    

Chapter 30

Dalawang araw matapos inilahad ni Jacques ang plano kay Tita ay naiproseso agad ang mga dokumento namin. Ni hindi ko na nagawang makapagpaalam sa mga kaibigan ko. Gab went to Nǎinai's house at doon niyakap niya ako ng sobrang higpit bilang pamamaalam. Ipinaabot niya sa akin ang paghingi ng tawad ng kanyang asawa.

Bago kami lumipad abroad ay dumaan muna kami ni Jacques sa Maynila upang bisitahin ang anak ni Ginang Valleroso.

She is safe now. Mahimbing siyang natutulog. Inuubos na lang ang laman ng suwero at makakalabas na siya.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa lahat ng nasabi ko sa 'yo, Miss Jen," magpagpakumbabang sabi ni Mrs. Valleroso.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang po iyon. Kung sa akin din nangyari iyon ay baka hindi ko rin alam ang gagawin at iisipin ko."

"Nahihiya ako sa'yo at nasaktan pa kita. Nahihiya ako sa inasal ko." Nagbaba siya ng tingin.

Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. "Ang mahalaga po nasa maayos na kondisyon na po si Justine. Wala na po sa akin ang nangyari kaya ipanatag n'yo po ang inyong kalooban."

"Maraming salamat, Miss Jen. Maraming salamat din po, Sir Jacques sa lahat ng itinulong mo para sa anak namin. Habangbuhay po naming tatanawin na utang na loob ang nagawa ninyo para sa amin." Tumingin ang Ginang kay Jacques na nakatayo sa gilid ng pintuan.

The latter just nodded, but his lips were in a grim line.  Nalaman niya kay Chef Hendrix kung ano ang ginawa ng ginang na pagsabunot sa akin.

Hindi rin kami nagtagal doon dahil alas dose ng hatinggabi ang flight namin. Nauna na sina Josue at Tita, kasama sina Nǎinai at ang lahat ng kasambahay. Senyora Aurora and her husband go there too, along with Don Jackson and Jacques younger siblings.

Ang tanging magpapaiwan sa Pinas ay sina Donya Thylane at Cressida.

Ang Arcipelago Almerino, ilang oras ang layo mula sa Italya, ang isla na aming narating.  Gusto kong itanong kung sa kanila ba ang islang iyon pero pinigilan ko ang sarili.

Pumasok kami sa pilak na arko ngunit hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat doon dahil nakabaybay iyon sa salitang intsik.

Bumungad sa amin ang mga bahay na yari sa bato. Pare-parehas ang istilo ng mga naturang kabahayan. Nakakaayang tingnan dahil kulay bughaw. Trees of olives lined the grounds, and the villas were placed on the hilltop, tanaw ang malawak na asul na karagatan, sumasalamin sa bughaw na kalangitan. Tirik na tirik ang araw ngunit pakiramdam ko ay sakto lang ang init dito dahil sa dami ng mayayabong na puno.

Parang hindi rin kami umalis ng Pinas dahil halos ganito ang view kung saan nakatirik ang mansion ng mga Almerino.

"There's a community college here. Sasamahan kitang mag-enrol." Ginagap ni Jacques ang kamay kong nanlalamig.

Ngumiti ako. "Puwede bang magpahinga muna tayo? I'm so tired," medyo dismayado kong sabi. He's so energetic. Kahit kaninang nasa himpapawid kami ay may ka-meeting pa rin siyang mga mahahalagang tao sa dala niyang laptop.

"Natulog ka nga lang buong biyahe," natatawa niyang sabi.

"Kahit na. Iba pa rin ang pahinga sa kama."

A small smile crept into his lips, and he bit his lower lip. Hinampas ko ang kamay niya. "What?" Humalakhak siya.

Napalingon tuloy sa amin sina Deukalíōn at Clytius. Nagtataka ang mga tingin ngunit may multong ngisi sa kanilang mga labi.

"Ibang pahinga 'yong pumapasok sa utak mo," bulong ko. Kinurot ko siya ng pino sa braso kaya muli siyang tumawa ng malakas. "Kainis ka..." I rolled my eyes at him, and I diverted my gaze to the road that we were taking. Puno pa rin ng mga olives ang nadadaanan namin.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon