Chapter 21

1.6K 53 5
                                    

Chapter 21

Palalayasin sila kapag hindi kami sumama?

Hearing that, my lips formed a thin line pero hindi na ako nagulat.

Donya Thylane is clearly dominant, and she knows how to grasp people in her mighty hand, malaking tao man o hindi. She comes from a wealthy family and was formerly known as the Binibining Pilipinas. Dati rin siyang runway model at kasalukuyan ay dumadalo sa mga charitable institutions na siya rin ang nagtatag. Pero dahil narito sa Cebu si Jacques, siya ngayon ang pansamantalang tumatayo bilang CEO ng Almerino TV Network sa Manila.

Kilala ang ama niya dahil ito ang may-ari ng Wright Law Firm, isa sa pinagkakatiwalaang tagapagtanggol ng mga mayayaman at maimpluwensiyang tao rito sa Pilipinas.

Idagdag pa ang napangasawa niyang si Don Jackson na isang Bilyonaryo rin kaya hindi na nakapagtatakang kaya niyang paikutin ang mga tao sa palad niya.

But not me.

"Hindi pa rin ako makakapunta," sabi ko na ikinamaang ng tatlong kasambahay.

Bahagya silang natigilan at nakita ko ang paghagod nila sa kanilang dibdib. "Senyorita, may ipinadala na pong dalawang waitress sa restaurant, kung iyon po ang inaalala mo," sabi ng pinakamatanda sa kanila.

Donya Thylane is indeed scheming. Wala akong masabi. Nagawan agad niya ng paraan.

"Naroon na po sila ngayon," dagdag pa ng isa.

Umiling ako. "Kailangan ko pa ring pumasok dahil may aasikasuhin kaming wedding proposal. Matagal na naming customer ang humingi ng tulong sa akin, hindi ko puwedeng hindian iyon."

Naramdaman ko ang pagkabalisa nilang tatlo. Halatang nangingilid na ang luha nang dalawa sa kanila.

Seeing them, quivering in fear, reminded me of my younger self. I was just as naive and weak as they were. Back then, no one but myself had my back.

Higit pa roon, I was bullied in my school and until now because of my curly hair. "Aeta" ang alyas nila sa akin noong bata ako. Araw-araw akong hina-harass at kapag sinubukan kong lumaban o manindigan para sa aking sarili, palagi akong sinisisi at pinarurusahan ng aking mga guro.

Makailang beses akong ibinalad sa araw noon, tanda ko pa. Minsan naman ay mag-i-squat ako at may nakapatong na libro o 'di kaya ay meter stick sa kamay ko. Masuwerte ang mga kabataan ngayon dahil sa palagay ko'y wala nang ganoong parusa sa eskuwelahan.

I used to believe that we live in a very shallow world, and that social status and physical beauty are two of the external criteria we use to judge people.

Being bullied planted a seed of low self-esteem in me that followed me from elementary to high school. But living here in Cebu and spending my days with Jacques gave me a lot of confidence and self-worth.

And today, kahit na kinakabahan ay gusto kong panindigan ang sarili ko. Nobody should be able to dictate my life the way Jacques taught me to fight for his happiness.

People like Donya Thylane will only mistreat me to the extent that I allow them to. Hindi ako papayag.

Bahagya kong ikinuyom ang aking palad. Tumingala ako kay Jacques. "Bukas ako makikipagkita sa Mommy mo. Kailangan ko talagang tumulong sa S & L. Ayaw kong sirain ang good record ko roon. Alam mo naman ang goal ko, 'di ba?"

Tumango siya. "I know, baby." He caressed my back gently.

"'Tsaka may home service rin ako mamayang gabi, importanteng kliyente ko rin ang mga iyon."

"You don't have to explain yourself. I understand. Ako ang kakausap kay mommy." Seryoso siya. However, there is a ghost smile on his lips. He lowered himself, and I looked up at the three househelper. Agad silang nagyuko at nag-iwas ng tingin. Jacques spoke to me in hushed tones. "You look like a cub maturing into a tiger. Nakahanap din ng katapat si Mom," he chuckled.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon