Chapter 29

1.4K 48 26
                                    

Chapter 29

"Bakit mo naman kasi ipinukpok ang mga garapon? Tingnan mo nga yang kamay mo, ang daming sugat," pangaral ni Tita habang hinahanap ang benda sa kwarto ko.  “At bakit mo ipinamigay ang ipon mo? Pera mo 'yon, pinaghirapan mo."

Hindi ako kumibo, nanatili akong tulala at nakalupasay sa harap ng basag na lamesa at mga garapon. Nakalaylay ang kamay ko habang patuloy na umaagos ang dugo. Napahikbi ako, pinipigilan ang mga luhang pilit na muling kumawala sa aking mga mata.

"Nasaan na ang first aid kit? Pinaglaruan mo 'yon kahapon, Sue. Halika nga rito at tulungan mo akong hanapin iyon. Saan mo inilagay?"

"W-wait lang Tita. Hin—hindi ko po matandaan kung-kung saan ko po in-inilagay," sagot ng kapatid ko.

Nagbangayan pa sila ngunit nanatili akong walang imik sa sala.  Tumahan na ang kapatid ko kanina paglabas na paglabas ng pinto ng aming ina.

She's proving to me that we don't always get to be born into the family we want. Hindi natin mapipili kung sino ang magiging magulang natin pero kung bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataon, pipiliin kong hindi na mabuhay sa mundong ito.

Puro pasakit at paghihirap ang dinanas ko.

I sobbed, thinking about it. Umiling ako. Dapat ay magpasalamat pa rin ako dahil may dalawa akong kapatid, mga tapat at mapagmahal na kaibigan at narito si Tita na handa kaming mahalin at alagaan sa abot ng kanyang makakaya.

And Jacques, too.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may pumasok sa nakabukas na pinto. Kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Mabilis na nagtama ang aming paningin.

"Alyn!" sambit niya. "What happened?" Hindi nakatakas ang pagkataranta ng mga mata niya habang malaki ang hakbang palapit sa akin. I want to laugh because this is the first time I've seen him panic. "Why are you smiling?" pagsusungit niya. "Duguan na nga ang kamay mo, nakuha mo pang ngumiti..."

Lumuhod siya sa sahig at hinawakan ang nagdurugong kamay ko. In an instant, terror engulfed his grey eyes.

I shooked my head. "I'm just happy you're here."

Napansin ko sa likuran niya si Deukalíōn. Nanlaki ang mga mata niya at agad na muling tumalikod palabas.

"Happy? Look at your right hand... Happy ka pa?" sermon niya sa akin.

Lumabi ako.

"Nasaan nga pala si Clytius, bakit hindi ninyo kasama?"

Napansin ko ang bahagyang pagtagis ng bagang niya. "He had to do something important. Babalik din iyon. Bakit siya ang hinahanap mo gayong ako ang nandito?"

Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Umangat ang kamay ko at pinaghiwalay ang kilay niya. "Nagseselos na naman?" humagikgik ako.

Ngunit natigilan ako. How can a man have such a strong influence on my emotions? Kanina sobrang sakit ng puso ko pero ngayon wala na. Napalitan ng saya dahil nakita ko siya.

Napatigil ako sa pagtawa nang makabalik si Deukalíōn. May hawak siyang malaking box ng first aid kit. He silently handed it to Jacques.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit mo sinaktan ang sarili mo?" tanong niya habang inaalalayan ako para tumayo. Napansin ko sina Tita at Josue, tahimik na nakamasid sa amin.

Hanggang sa paghuhugas ng kamay ko sa umaagos na tubig mula sa gripo ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko. I flinched because my wound hurt so much. He crouched and gently blew it.

Pinaupo niya ako sa rattan chair malapit sa dining table at inilabas niya mula sa first aid kit ang cotton, betadine, gauze pad, at medical tape.

Nakatiim ang kanyang mga bagang habang pinupunasan ng bulak ang mga sugat sa aking kamay.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon