Chapter 6

2.5K 72 7
                                    

Chapter 6

"Bakit nagpalit ka ng suot? Umuwi ba kayo?" tanong ko para mapagtakpan ang pagkakahuli niya sa pagtitig ko sa kanya.

Bahagya niyang ipinilig ang ulo habang sinisimulan niyang imaniobra ang kanyang marangyang sasakyan.  "The pet store dog peed on me from head to toe. Nasa taas siya ng estante kaya hindi ko napansin."

Hindi ko napigilan ang sarili kong humalaklak, pati si Josue ay nakigaya rin sa paraan ng pagtawa ko. "Hindi nga?" Natatawa at hindi makapaniwala kong tanong.

"I'm speaking the truth. Fortunately, the owner had some extra new clothes that he gave me."

Kinagat ko ang pang-itaas kong labi at tumingin sa labas ng bintana para pigilan ang sarili ko sa muling pagtawa. Baka kasi mainis siya sa 'kin.

"Don't hold back your laughter. Mauutot ka, babaho rito," sabi niya na ikinagikgik kong muli. Sa pagtawa ko'y hinampas ko ng ilang ulit ang braso niya. Kagat-kagat naman niya ang inner cheeks niya habang nakatuon ang pansin niya sa dinadaanan namin.

"I'm driving, Alyn. Stop punching me," he stated.

Tumigil nga ako sa pagpalo sa kanya. "Oh my God!" Pinaypayan ko ang mata ko dahil naluluha na ako sa kakatawa. Joker din pala ang guwapong 'to? "Tapos? Iyon ba ang dahilan kaya hindi kayo nakabili ng aso?"

"Ayaw ni Sue. Mas gusto niya si Milo." I sit still as he continues to navigate the car, admiring how smooth he drives, stirring the wheel with his large and noticeably prominent veined hands. And those veins were visible all the way up to his forearm. Pumikit ako at sumeryoso ng upo para pigilan ang sarili ko sa pagtingin sa kanya.

"Has he been vaccinated against rabies?" pertaining to his dog.

"Yeah... Every year," he replied momentarily.

We arrived in front of Maximus' mansion in less than a few minutes, which now belongs to the person next to me. Hindi ko napansin na nakalagpas na pala kami sa bahay ni Tita. Mula sa labas ay tanaw ko ang buong mansyon. Nagtaka pa ako dahil awtomatikong bumukas iyon.

"Hindi pa 'to automatic dati..." Hindi ko napigilan ang sarili kong bumulalas.

"I've done a lot of repairs to it since I bought it. I intend to include this in my vacation home rentals."

Tama nga ang hinala ko. Investment iyon. Gusto kong tuktukan ang ulo ko dahil napaka-assumera ko. Hello? Magkakagusto ba siya sa isang tulad ko? Ni wala ako sa kalingkingan ng babaeng pakakasalan niya. Kay-tangkad n'on at sobrang ganda pa. I couldn't help but sulk in my seat.

"Why?"

I looked at him as he asked. I could see worry in his masculine features. He had to be this gentle, and I could tell he wasn't faking it.

Pero may nabasa ako sa libro noong marami pa akong oras para magbasa. Sabi doon, "Ang nasa mukha ng isang tao ay hindi laging repleksyon ng kung ano ang nasa puso niya." Others would fake it, and I'm not sure I can trust him now. Ako nga, kaya ko ring pekehin ang emosyon ko.

But as long as he treats my brother well, I'll believe him.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa mukha ko. Crush mo pa rin ako, no?" tanong niya nang tumagal na naman ang titig ko sa mukha niya.

Natawa ako bigla at napahawak sa bibig ko. "So you knew years ago that I had a crush on you?"

"Yes, but you were so young then. You were 16 when I had a convention here in Cebu, if I'm not mistaken. I always notice you serving me at Hendrix's restaurant. Narinig ko sa mga kasama mo na crush mo nga raw ako. Hindi ko pinansin dahil sobrang bata mo pa noon. I believe it is merely an infatuation. Kuwento pa nga ni Hendrix na mahilig ka raw noon magbasa ng horoscope at parehas mong babasahin ang kapalaran natin." Mahaba niyang litanya.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon