Chapter 17

1.6K 54 8
                                    

Chapter 17

"Iniisip mo pa rin iyong kanina?" tanong ni Jacques nang makasakay na kami sa kotse niya. Ako ang nasa tabi niya, si Josue naman ay nasa likuran, naglalaro sa ipad na iniregalo sa kanya ng binatang kasama namin.

"Ang alin?" pagpapatay-malisya ko. Ngumiti siya at hinuli ang kamay kong nasa hita ko. He wrapped his fingers around mine while shifting into second gear. 

"'Yong kalmahan mo lang, baka mahulog ka na sa'kin," pang-aasar niya. Tumawa pa siya ng mahina at pinisil ng marahan ang kamay kong hawak niya.

"Pinaalala mo pa talaga. Nakalimutan ko na nga." Sumimangot ako at umirap sa kanya kahit sa daan ang pokus ng tingin niya.

"Totoo ang nararamdaman ko sa 'yo, Alyn. My emotions have recently burst in place. Parang gusto na nga kitang iuwi sa bahay at huwag nang pabalikin sa Tita mo."

My heart began to pound out of my chest as my eyes widened in shock. Hindi ako nakasagot kaagad.

"Nambibigla ka na naman," reklamo ko.

He smiled amusingly while sticking his tongue into his cheeks. "I'm just being honest. I feel that way. Gusto ko lang malaman mo ang nilalaman ng isip at puso ko."

"Corny mo na. Please..." Akma kong aagawin ang kamay kong hawak niya pero mas hinigpitan pa niya ito dahilan para madama ko lalo ang init ng palad niya.

"Alright. Titigil na. Mamayang gabi ulit." He chuckled lightly.

Hulog na hulog na ako, wala nang mapaglagyan ang kilig na nararamdaman ko. Mabuti na lang talaga at magaling akong magtago ng feelings. Hihinga lang ako ng malalim at hindi titingin sa mga mata niya, nagiging ayos na ako. But because he is so close to me right now, my heart can't stay still. Ang bango-bango kasi niya, kung malakas lang ang loob ko'y sumuot na ako sa kili-kili niya at doon na tumira.

"Wala akong pambayad dito?" alalang sabi ko nang huminto na kami sa isang fine dining restaurant.

"Who said that you'll pay?" he asked, curving his lips as he cast a sweet gaze into my eyes. "Bayad ko ito sa mga libre mo kapag hindi puwede ang card sa pinupuntahan natin."

"Kahit na. Ang mahal kaya! Ilang libo tiyak ang presyo ng isang meal diyan," katuwiran ko.

"Please?" He pleaded and gave my hand another gentle squeeze. "Ako naman ang manglilibre sa 'yo. Hindi naman ako nagreklamo noong ikaw ang nagbayad sa beef pares natin."

I clicked my tongue because of his eagerness to treat us. "Isang daan mahigit lang 'yon..."

"But the happiness I've had with you since that mini-dates cost more than a million dollars. Please, Alyn. Allow me to take you on a date. Ako naman ang magbabayad ngayon. Kung nag-aalala ka, you can cook for me later. Makikikain ulit ako sa inyo..."

Nawalan na ako ng depensa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kanya. Nang tumango ako ay masaya silang lumabas ni Josue ng kotse. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at hinigit niya ako sa bewang upang alalayan sa pagpasok.

We were seated upstairs in the private dining area, which overlooked the Moalboal seacoast. The windows were open, letting in a refreshing breeze, and the interiors evoked a contemporary Chinese atmosphere. It has a laid-back feeling, high beaming ceilings, and eclectic décor of Chinese lanterns and dragon paintings all contributed to the warm ambience. The outside was surrounded by a beach, its waves, and the sun casting its occasional ray on the calm splashes in the water.

""I'm sure you're taking notes about the atmosphere here, Alyn. You are a meticulous person. Baka ireport mo kay Gab ang mga napansin mo sa restaurant na 'to," bulong niya sa akin nang makaupo na kami.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon