Chapter 9

1.9K 68 11
                                    

Chapter 9

Hindi na ako nakatulog, paglabas niya ng kwarto ko. Ilang saglit kong minulat ang mata ko para iproseso ang sinabi niya.  Ako? Precious to him? Kailan pa? We've just only met again last Monday, a...

Posible ba iyon na mahalaga na agad ako sa kanya—'di ba ngayon-ngayon lang naman kami naging close?

O kaya ganito ba siya pumorma sa mga naging girlfriend niya?

Speaking of girlfriends, I've never heard of him getting a girlfriend from any news source, not even the TV network that they own. Some are linked to him, but his PR team will quickly respond with a statement denying it. He also rarely appears in newspapers or on television because, despite being the CEO of Almerino TV Network, he keeps his personal life private.

Ugh! Bago pa sumakit ang ulo ko sa kaiiisip ay itinaklob ko na ang unan sa mukha ko. Pinilit kong matulog para hindi ako antukin sa trabaho ko mamaya.

Paggising ko, bumangon agad ako at kinuha ang puting tuwalya sa aparador.

I went outside my room, and Tita was watching a night drama with Josue in the living room. Milo was sound asleep next to the rattan center table. Nasasanay na ako sa presensiya niya ngunit huwag lang siyang lalapit sa akin at talagang hihimatayin ako sa takot.

"Ang aga mo naman yatang maligo? Alas otso pa lang, a?" Nilingon ako ni Tita. Napansin niya ang tuwalyang nasa balikat ko.

"Hindi na po ako makatulog, e," sagot ko.

She cracked a mischievous little smile. "Himala! Ang lakas pa ng hilik mo kapag ganitong oras, a. Tapos ilang ring pa ang alarm mo bago ka bumangon."

"Mahaba na po ang tulog ko kasi nakatulog na ako sa beach kanina," dahilan ko.

Dumiretso na ako sa kusina nang mapansin kong bumaling na siya sa pinanonood nila. Kumain muna ako ng hapunan. Ginisang ampalaya at tinolang manok ang ulam. Dati, ayaw ko ng ampalaya pero dahil isa iyon sa pananim ni Tita ay nilulunok ko na lang. Pinaghirapan niya iyon at hindi dapat sayangin.

After eating, I quickly enter the bathroom and thoroughly, neatly, and cleanly wash my body. Lahat ng sulok ng katawan ko ay kinuskos ko. I even left the shampoo on my hair for a longer period of time than usual. Nag-conditioner din ako at muling kinuskos ang katawan ko.

"Halos trenta minuto ka na riyan, Jen. Maiihi na ako sa salawal ko!" Dinig kong sigaw ni Tita mula sa labas habang kumakatok siya ng maraming beses sa pinto ng banyo.

"Opo! Lalabas na!" sigaw ko pabalik. Mabilisan akong nagbuhos ng maraming tabo ng tubig sa ulo at katawan ko.

Tita's smile was mischievous when I emerged out of the bathroom.

"Ngayon ka lang natagalan sa banyo..."

"Nag number 2 pa kasi ako Tita," palusot ko. Ngumuwi siya, umatras pabalik sa sala at sinabing mamaya na lang pala niya gagamitin ang banyo.

Napapangiti na lang ako sa kalokohan ko.

I put on my white t-shirt and black pants. Then I applied on my usual make-up and took out Gab's gift for me, the perfume. I spray a small amount inside my wrists, inner elbows, below my belly button, behind my ear lobes, and the back of my knees. Nginitian ko ang sarili ko sa salamin nang matapos ako.

"Ganda mo rin pala, kulot.." sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko pa ang hairpin na bihira ko lang gamitin. Inimis ko ang takas na buhok sa pisngi ko. Then I slide the hair pin straight up, toward the top of my head. Muli kong pinasadahan sa salamin ang mukha ko at tiningnan ko kung bagay ba sa akin ang hairstyle ko ngayon. Bihira lang kasi akong mag-ayos. Dati, konting suklay lang at hahayaan ko nang nakasabog ang kulot kong buhok.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon