Chapter 28

1.3K 47 12
                                    

Chapter 28

A bad day with a client is nothing new to me. In fact, I am quite accustomed to it.

Sanayan na lang talaga lalo na kapag kailangang-kailangan mo ng pera.

Pagdating ko sa bahay, naghugas ako ng kamay.  Ayokong dalhin ang stress na dulot ng kliyente ko hanggang doon.  Kung hindi ko gagawin ko iyon, masisira ang susunod kong araw.  Pagkatapos ng bawat sesyon ng masahe, naghuhugas ako ng aking mga kamay bilang bahagi ng aking ritwal. I'm washing everything I don't want to bring with me.

Pagkatapos kong magpalit ng pajama, nagbuhos ako ng mainit na tubig sa mug.  Gusto kong magkape ngayong masama ang loob ko. Yayayain ko na sana sina Deukalíōn at Clytius pero pinigilan ko ang aking sarili. Marahil ay natutulog na sila o nagpapahinga sa loob ng kanilang sasakyan.

I urged them to sleep inside, but they said it was fine to sleep in the car.  They claimed it was due to the nature of their job.

I was halfway through my coffee when I realized I hadn't opened my phone.  It vibrated within a few seconds.

Chef Hendrix was calling. Sinagot ko ang tawag.

"Pumunta ka sa District Hospital ngayon din," bungad niya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko, hindi pa tuluyang pinoproseso ang sinabi niya. "Don't make me yell at you on the phone, Jen."

"B-bakit anong ginagawa mo sa ospital?" Nagugulumihanan kong tanong.

"Pumunta ka ng malaman mo," he said in a chilling voice. He then hung up the phone.

Pinilit ko ang sarili kong maging kalmado. Iniwan ko ang tasa ng kape sa kusina. Nagsuot ako ng jacket at nagpalit ng faded jeans. Saktong may dumaraang tricycle nang lumabas ako sa bakuran. Perhaps Deukalíōn and Clytius are sleeping now, ayaw kong abalahin pa sila.

I reached at the district hospital in less than thirty minutes and checked my phone when it vibrated.

From: Chef Hendrix
Operating room

"Hayop kang babae ka!" Napasigaw ang ginang na pinagsilbihan ko kahapon nang makita niya akong papasok sa kinaroroonan nila. Nanlilisik ang mga mata niya, handang sumugod.

I noticed Chef Hendrix was strictly eyeing at me. Napansin ko ang pagtatagis ng bagang niya. Nasa tabi niya ang asawa at mga anak ng ginang. Malapit sila sa pintuan ng operating room.

Nagulat at bigla ang sunud-sunod na kabang nadama ng dibdib ko. "A-ano pong nangyari?"

"Nagmamaang-maangan ka pa sa ginawa mo!" Hinila ni Mrs. Valleroso ang aking buhok at napaungol ako sa sakit habang hinahatak niya ito;  halos mabunot ang anit ko sa sakit.

"Pag-usapan po natin ng mahinahon..." Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Nahihilo ako sa paraan ng pagsabunot niya sa akin.. "Masakit po..."

"Anong mahinahon? Anong masakit? Kapag may nangyaring masama sa anak ko, ipakukulong kita!" Suminghal siya habang halos mapaluhod ako sa lakas ng pagtulak at paghila niya sa akin.  Mas malaki ang kanyang pangangatawan.  Gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili sa kanya ay hindi ko ginawa.

"Tama na, Mrs. Valleroso!" Rinig kong awat ni Chef Hendrix sa kanya. Napansin kong papalapit siya at hinila ang kamay ng ginang palayo sa akin.  Sinubukan din kaming paghiwalayin ng asawa niya.

"Ma, huwag na tayong gumawa ng iskandalo," sabi ng kanyang anak.

"Enough of these, honey. Bigyan mo ng kahihiyan ang pamilya natin," segunda ng ama.

Marahas na bumuga ng hangin ang ginang. "At kinakampihan mo pa ang babaeng 'yan? Nag-aagaw buhay sa loob si Justine, Enrique! Anong pinakain ng itang 'yan para mahumaling ka diyan!"

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon