Chapter 33

1.5K 38 15
                                    

Note: Hindi ko naayusan ang buhok niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Hindi ko naayusan ang buhok niya. 😂 😂 Hayaan niyo na, basta maganda siya diyan.

I can't believe may asawa na ang baby ko! 😭😭😭

***

Chapter 33

"Why are you staring at your wedding ring?"

Ngiti lang ang iginawad ko kay Jacques habang titig na titig pa rin ako sa yellow gold diamond ring na isinuot niya sa akin kanina pagkatapos naming magpalitan ng vow.

"That is a symbol of my devotion and endless love for you," he softly whispered at me. Tahimik siyang yumakap sa aking baywang at humalik ng marahan sa labi ko, hindi niya binibigyang pansin ang mga bisita. Hindi rin pinapansin ang mga click ng camera.

Umuulan ng pagkain, inumin at bisita noong gabing iyon. Kabi-kabila rin ang lumalapit sa amin para bumati.

"Mamaya na ang tukaan, dumating na ang hari ng Italya," nangingiting sabi ni Clytius nang lumapit sa amin.

Bigla ang pagrigodon ng puso ko. Napansin ni Jacques ang reaksiyon ko kaya ginagap niya ang kanang kamay ko.

"They are nice, baby. Hindi ko pa pala nababanggit sa 'yo, siya lang ang nag-iisa kong Ninong."

Marahas ang pagtingala dahil sa gulat ko. "N-ninong? Ninong mo ang hari ng Italya?"

Pigil ang ngiti niyang tumango sa akin.

"At regalo niya ang archipelago'ng 'to sa 'yo?"

"Mahabang kuwento, baby. Ikukuwento ko sa mga susunod na araw. Let's meet them," aniya at iginiya na ang siko ko palapit sa nakangiting hari ng Italya.

Nakaabrisiyete sa kanya ang kanyang Reyna at simpleng puting dress ang suot ngunit namumukadkad ang ganda. Her flawless skin made her look like an angel. Simpleng gold thin band ang nasa ulo niya.

"Congratulazioni per il giorno del tuo matrimonio, Jacques," the king said to him as they greeted each other.
 
"Sono così onorato che siate venuta, vostra altezza reale," Jacques bowing on him while he accepted the king's hand.
 
Halos mag-hyperventilate ako nang ako naman ang kamayan ng hari. Hindi na pumasok sa utak ko ang sinabi niya. I did my curtseying to Queen Charlene II, but she held my hands and kissed me on the cheeks.
 
"Magaling pumili ang inaanak namin, you are so beautiful, Alyn. The golden hairpiece looks great on you, too. It has always been fated to be yours."
 
Her remarks made me blush! Imagine a queen telling me that I am beautiful. Hindi ako makapaniwala! At nagtatagalog siya? Ang cute ng accent niya!

Ganito pala ang ikinakasal? Mangangawit ang panga mo sa kakangiti at mangangalay ang kamay mo sa kakakaway.

May ilan pang matataas na tao ang lumapit sa amin at kinamayan at binati kami. Naroon ang hari ng Denmark, ang Prince of Liechtenstein, ang Grand Duke of Luxembourg at ang King of Lesotho. Prince Johannes of Belgium kissed me on the cheek. His features was mesmerizing, with his blue eyes and blonde hair. Mabilis na umawat ang kamay ni Jacques para paghiwalayin kami.
 
"Trek je terug, klootzak," he hissed at the prince.
 
The prince chuckled, tapped his back, and whispered at him. "She's so beautiful, man! Don't let go of her."
 
Yumuko ako. Itinuon ang pansin sa magkahugpong na kamay namin ni Jacques. He was possessively holding onto my hand, like someone would steal me away from him. Wala sa loob na itinaas at hinalikan ang mga kamay namin.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon