Chapter 42

1.5K 53 20
                                    

"Ukininana kitdi ti kastoy nga biag, makauma!"

Umirap ako sa hangin habang sinusundan ko si Avril, ang waitress namin paakyat ng VIP floor kung nasaan ang sinasabi niyang mga bisita. Habang naglalakad kami ay nadadaanan namin ang ilan sa aming mga patron dito sa Serene & Loud Restobar.

Binabati nila ako, at kumakaway naman ako na nakangiti. Sa halos mahabang panahon na pagtatrabaho rito ay kilala na ako ng halos lahat ng mga customers.

"Sino ba iyon? Bakit ako pinatatawag?" tanong ko sa kanya.

"Si Sir Almerino," maikli niyang sagot. Lumingon siya sa akin at bakas sa ngiti niya ang panunudyo.

"S-sinong Almerino. Si Koko?" nauutal kong tanong. Biglang sinakmal ng kaba ang dibdib ko.

Nagningning ang mga mata niya at sinabing, "Bakit naman mapupunta si Koko sa VIP Room, e, nag-out na siya kanina pa?"

"Sino nga?!" Nagsisimula nang uminit ang ulo ko. Ang daming hanash nitong babaeng 'to, hindi pa sabihin kung sino. Natataranta na ako sa loob-loob ko.

"Si, Sir Jacques!" Napahawak pa ang dalawang kamay niya sa pisngi niya at para bang kinikilig na nag-iimagine.

"O..." Tanging nasabi ko na lang.

"Akala ko ba nakamove-on ka na sa asawa mo? Bakit parang affected ka pa rin?" Tanong niya sa akin.

Pinigilan kong mapairap. "Correction, ex-husband. Divorce na kami."

Akala ko noon ay happy ending ang love story namin ngunit sa ganito pala hahantong ang lahat ng sinimulan namin. Sana hindi ko na lang siya pinatulan. Sana tahimik pa rin ang buhay ko ngayon.

Pumalatak siya. "Sayang. Bagay na bagay pa naman kayo. Viral 'yung kasal n'yo noon, e!"

"Lahat ng bagay, may hangganan at ito na iyon. Doon na lang magtatapos ang istorya ng buhay namin."

Hindi na siya muling nakapagtanong dahil pumasok na kami sa VIP Room. Napahawak ako sa puso ko, kabado ako ngunit huminga ako ng malalim.

Wala kang dapat na ikatakot dahil hiwalay ka na sa kanya. Bulong ko sa sarili ko.

"Sir Jacques, Miss Faith. Narito na po ang manager namin, si Miss Jenalyn Salas."

Hindi ko sila tiningnan.

Bagkus, napatingin ako pinakagitna dahil agaw eksena ang mga nakalagay roon. There are a lot of white and pink balloons. Bulbs and buttons are shaped into a large heart with rose petals inside. Nakabitin ang ilan sa mga larawan nilang magkasama at sa ibaba niyon ay ang dalawang salita, pitong letra. It was a white light-up letter that said, "Marry me.

Matutuloy din pala ang kasal nila.

Ang kasal na dapat matagal nang nangyari kung hindi dahil sa pag-eksena ko.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon