Chapter 39

1.5K 44 7
                                    

Chapter 39
 
Hindi na ako nakapagpaalam kay Prince Johannes dahil sobrang abala namin sa trabaho. Hindi ko rin nagawang makapamasyal dahil kailangan pa rin nila ang serbisyo ko sa cruise kahit nakadaong iyon sa Greece.

After doing the port call, lumayag na naman kami. Croatia is our next destination.
 
"Hay nako, Nala. Ilang beses na kitang sinabihan na huwag na huwag kang pumapatol sa customer, sige ka pa rin. Mabuti na lang at napakiusapan ko siya kung hindi tanggal ka na sa trabaho."

"Kasi naman..." She pouted.

"Learn to be more patient," saway ko sa kanya. Kumakain kami ng dinner dito sa Crew Mess.
 
Sumimangot lang siya at pinaglaruan ang chicken curry na nasa plato. Indian food is on the menu for today. Meron din namang mga salad at vegetables, pero purga na kami sa ganoon.
 
"Sumusobra na kasi. Hindi naman porque customer siya, lagi na siyang tama. Alam nating pareho na gusto niya lang ng libre kaya kung anu-ano ang inaarte. Wala talaga siyang chicken allergy, imbento lang iyon para mabigyan mo ng discount."
 
"Dagdagan mo pa ang pasensiya mo. Baka next time, hindi na kita masalba."

"Okay, I'll try my best."

I puffed and breathed harshly. Totoo ang sinasabi niya. Marami talagang katulad ng customer namin kanina. They would make a nonsense complaint and make a big deal out of it. At kami naman, magbibigay ng discount para maging masaya lang ang pamamalagi nila rito sa cruise ship.
 
"Huwag na nga natin isipin 'yon. Kumain na lang tayo. Hindi naman tayo ang may-ari ng barko, kaya hindi tayo malulugi. Bahala sila," she said.
 
I nodded. Tahimik kaming kumain at tumatango kapag may tumatawag na ibang crew sa amin.
 
"Jen! See you at the Schooner Bar tonight!" The hotel manager yelled at me. Tumango lang ako at nag-thumbs-up sa kanya.
 
Nala suddenly giggled. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka pumunta kanina sa parade of the stars! Napakaraming guwapo!" She shrieked, nagniningning pa ang mga mata.
 
Napapailing na lang ako. Ugali na kasi namin ang mag-guwapo spotting dito sa barko. Nakakasawa rin naman. Wala akong natitipuhan ni isa sa kanila.
 
"May nakahalong sobrang pogi kaso hindi ko masyadong nakita ang mukha, ang dami kasing nakipagkamay sa kanya. Naghihiyawan pa ang mga babaeng nadadaanan niya," she continued.
 
Sobrang pogi, pero hindi niya masyadong nakita ang mukha? Basta guwapo talaga, maraming kuwento ang isang 'to.
 
"Pupunta ako, ikaw ba?"
 
I shook my head. Malakas ang signal ngayon, kaya mas pipiliin ko na lang na magkulong sa cabin room. I want to talk to my brother. Uuwi na raw kasi siya sa Pinas at mag-aasawa.
 
Pero alas dose y medya ng gabing iyon ay buffering pa rin ang signal kaya wala akong choice kundi ang maligo at maghanda.

Tina, the hotel manager, was bothering me countless times this evening.
 
"Ano? Nakausap mo ba ang kapatid mo?" Pangatlong balik na niya iyon.
 
"Mahina ang signal."
 
"Then fix yourself! Hinihintay ka na namin sa taas! Feeling gold ka lagi!" She exclaimed. Umirap ako sa kanya.
 
She was wearing a spaghetti-strap black minidress. Siya na rin ang nagdesisyon kung ano ang isusuot ko. Gusto raw niyang magkapares kami kaya ang white minidress naman ang ipinasuot niya sa akin. May ruffles iyon sa bandang hips, and it was slanted, revealing my not-so-thin-anymore hips. My plump breast was revealed because the neckline was so deep. She bought it months ago when we docked in Rio de Janeiro.

Mahilig siyang magregalo lalo na at single siya. Wala raw siyang mapaglalagyan ng pera niya.
 
"Huwag ka ngang malikot!" Tinampal niya ang pisngi ko habang tinutulungan niya akong maglalagay ng blush-on.

Umirap ako sa kanya sa salamin. "Ang kapal na kasi, bawasan mo!" pagmamaktol ko. "Parang dinaanan ng hotdog na bagong luto ang mukha ko. Ano ako, kanin?"
 
She burst into laughter as she continued putting a rose-toned blush on my face. Binawasan din niya pagkatapos. She was just being silly.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon