Chapter 26

1.3K 39 10
                                    

Chapter 26

My heart felt heavy as I was repeating what he had just said to the press conference.

"No. She is not my girlfriend."

"No. She is not my girlfriend."

"No. She is not my girlfriend."

Sa inis ko ay bumaba ako sa pavilion kung saan naroroon sina Nǎinai, Tita at ang ilan sa mga kasambahay. They were playing their mahjong very seriously habang may nakalagay na baso ng red wine sa kani-kanilang harapan.

Tsaa naman ang iniinom ni Nǎinai. Josue is inside, watching Bob, The Builder.

"Would you like some?" Nǎinai wondered when she noticed me staring at the red wine.

"Kukuha po ako ng baso, Miss Jen," prisinta ng isa sa mga kasambahay. Akma na sana siyang tatayo sa puwesto niya ngunit pinigilan ko.

"Ako na pong bahala sa sarili ko. Baka matalo ka sa mahjong, sayang po ang tiles mo," sabi ko sa masiglang boses.

They all laugh out loud. Anim silang naglalaro. Everyone was in a good mood as they laid their tiles.

"Oo nga naman, Liya. Hayaan mo na ang pamangkin ko. Hindi 'yan sanay na nag-uutos," Tita winked at me. Ngumiti ako sa kanya. Iniwan ko sila roon at pumasok akong muli sa loob ng main courtyard.

Napansin kong nakapagluto na sila ng hapunan nang makarating ako sa kusina. Siguro ay iiinit na lang nila ang mga kawaling nakahilera roon kapag kakain na. I took the Bordeaux glass from the cupboard and a glass of juice for my brother.

Nagpasalamat siya nang ihatid ko ang juice sa kanya. "Ma—nang, anong o-oras uuwi si Ma-nong?" tanong niya. Titig na titig siya sa pinapanood niyang cartoons.

"Uuwi iyon maya-maya," sagot ko.

Napasimangot ako dahil muli kong naalala ang sinabi niya sa interview. Wala naman akong dapat ikagalit dahil totoo namang hindi niya ako girlfriend. Hindi ko pa nga sinasagot.

Pero siguro masama ang loob ko dahil nag-expect akong aaminin man lang niya sa publiko na nililigawan niya ako. My heart felt heavy as I stared at his vow ring. Habang iniikot ko iyon ay mas lalong bumibigat ang dibdib ko.

Or maybe I'm just overreacting to what he said. Gusto kong pairalin ang pagiging maunawain ko pero hindi ko magawa. Umuukilkil sa utak ko ang sinabi niyang hindi niya ako girlfriend.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang tunog ng bell sa gate nilang yari sa kahoy. Their gate is located in the southeastern corner of the courtyard. If normal houses here in the Philippines are surrounded by a garden, here in Nǎinai's courtyard house, their garden is surrounded by their set of courtyard houses. May garden pond sa pinakagitna at may maliit na pulang tulay pa na naroon. A variety of fish are swimming in the pond.

When Tita and the househelps realized who was outside, they immediately opened the gate.

As I arrived the central garden, I could hear Tita's faint voice.

"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na narito kami?" Dinig kong tanong niya sa kararating lang na bisita.

"Binibisita ko po si Jen, Tita."

Kaagad kong nakilala ang boses na iyon kahit na ilang taon na ang lumipas. Nang mapansin ako ng lalaking iyon ay buong galak siyang nagtungo sa kinatatayuan ko at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Jen, it's been a while." His tone was lively, and his eyes sparkled.

I could tell that the people around us were confused based on their furrowed brows.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon