Matapos kung masundo mula sa school si Peyton ay nagpaalam ako sa kanyang bibisitahin ko ang lola niya, which is si mama. Isang linggo na rin ako sa bahay na tuh, wala na din kaming naging conversation ni Bricks, minsan hindi din siya umuuwi. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kasal na tuh? Mukha kasing hindi naman sila nagmamahalan eh. Parang tanga, magpapakasal tas hindi mahal ang isa't isa . Tanga din minsan tung kambal ko eh!
" Kumusta anak? " Bungad sa akin ni mama pagkapasok ko, hinalikan niya ako sa pisngi at iginaya paupo sa sofa.
" Ayos naman po Mama, " nakangiti kung tugon sa kanya.
" Ikaw ma? Wala bang ginagawang masama ang matandang yun sa negosyo mo? " Umiling siya, napabuntong hininga naman ako.
" Ikaw ang inaalala ko anak, baka kapag nabuko ka nang asawa ng kambal mo ay baka ipakulong ka pa. Hindi ko makakaya kang tumambay sa piitan na yun. "
"Ma, hindi yun mangyayari. Trust me, "
" Pero anak-- "
" Uuwi na po ako ma, sa susunod na linggo ay bibisita ako rito kasama si Peyton. "
Napabuntong hininga na lamang siya akin at tumango. Bago ako umalis ay niyakap ko muna siya.
Madilim na sa buong bahay ng makauwi ako, nasa garahe na din ang kotse ni Bricks. Mukhang tulog na ata sila. Pumasok ako sa bahay at dahan dahang umakyat patungo sa kwarto ko. Bago ko marating ang kwarto ko ay sumilip muna ako sa kwarto ni Peyton and to my surprise, nandoon si Bricks katabi niya habang magkayakap. I smiled, feeling ko tuloy ako talaga yung asawa niya.
Marahan kung isinara ang pinto at tuluyan nang nagtungo sa silid ko. I took of my clothes, pati na din ang contact lenses ko. I stared at myself. My blueish eyes that i keep hiding. Hindi pwedeng malaman ni Bricks na ganito ang kulay ng mata ko dahil kapag nalaman niya, siguradong wala na akong takas. Ako lang kasi ang nag iisang blueish na kulay ang mata samin, namana ko daw sa angkan ni mama pero si mama brown naman yung mata. Para tuloy akong ampon tss.
After kung maligo at makapagbihis ay natulog na din ako.Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay, hindi naman kasi soundproof yung silid ni Ashley, unfair nga kasi kay Bricks soundproof. Bumangon ako at nag ayos ng sarili, sinuot ko din yung contact lenses ko. Pababa palang ako nang hagdan ay rinig na rinig sa buong bahay ang kulitan nang mag ama. Agad kung tinungo ang kusina and then there, nagpupunasan sila ng icing sa mukha. Nagsasayang pa ng pagkain tss. They're really happy. Pero sa tagal kung tinititigan si Peyton dun ko lang napansin na hindi sila magkamukha. Ni kahit ano ay hindi hawig sa kanila, namamalikmata lang ba ako? Pero hindi talaga. Sh*t!
" F*ck! " Napamura ako sa sobrang sakit. May tumama kasing matigas na bagay sa noo ko. Tinignan ko yung nasa paa ko, tangina! Rolling pin na 9 inches?! P*ta!
" Hala! You hit mommy Addi Daddy! Lagot ka! " Paninisi pa ni Peyton sa ama.
Nag angat ako nang tingin, nagulat pa ako na nasa harap ko na siya. Seryoso lang siya, wala akong makitang iba.
" Let me see, " marahan kung ibinaba ang kamay ko, nang makita niya naman ang bukol sa ulo ko ay marahan niya itong hinawakan, napangiwi ako kaya naman hindi niya na ito hinawakan pa.
" Gagamutin ko na lang, "
Umiling iling ako . Ayokong magkalapit kami, baka mabuko niya ako eh.
" Wag na, ako na lang ang gagamot. "
" No. Don't be a hardheaded woman. "
Napasinghap ako nang bigla na lang ako nitong hilahin, hindi ko din napansin na pumasok na pala si Delia sa kusina para bantayan si Peyton.
P*tang*na! Saan niya ako dadalhin?!
💜