Chapter 9

454 7 0
                                    


Tama bang nagpalunod ako sa halik niya?

Tama bang ginawa ko yun kahit asawa niya ang kambal ko?

D*mn Addi! Your doomed!

Sa unang halik palang ay dapat hindi na ako nagpadala, isang malaking pagkakamali iyon. Pinagsisihan kung ginawa ko iyon, hindi na dapat maulit pa yun.

Pero yung halik niya, nakakaadik. Kung hindi nga kumatok kanina si Peyton baka kung ano nang nangyari, baka na sisid niya na ang buong garden ko.

" Mommy Addi hindi ka naman po nakikinig sakin eh! Kanina pa po ako salita ng salit rito. "

Kita mo na Addi? Pati yang pamangkin mo napapabayaan mo na. Napakalandi mo kasi!

Tinignan ko siya at ngumiti.

" Sorry baby, may iniisip lang si Mommy Addi. Ano bang gusto ng baby ko? "

" Let's swim! " Nakangiting niyang turan sakin na mukhang excited na excited.

" Sure baby, papalit lang si mommy okay? Wait me here. " Tumango tango siya at naupo sa sofa.

Agad naman akong tumalima sa bathroom at nagpalit ng swimsuit na pinatungan ko nang black see through. Pagkalabas ko agad tumayo si Peyton at humawak sa kamay ko. Sabay kaming lumabas ng resort, hindi masyadong mainit kaya hindi masakit sa balat. Inilibot ko ang tingin sa buong beach, kanina ko pang umaga hindi nakikita si Bricks matapos ang halik kanina. Mukha kasing iritado yun kanina dahil naudlot yung gusto niya. Nang hindi ko siya makita, tinanong ko na lang si Peyton. May itinuro siyang cottage, nagpaalam sa akin si Peyton na makikipaglaro muna tawagin na lang daw niya ako kapag maliligo na siya.

Tinanaw ko ulit ang cottage na tinuro ni Peyton sa hindi kalayuan. And there he is, staring darkly at me. Kung nakakamatay lang ang tingin baka nakabulagta na ako rito. Inirapan ko siya, nag-igting naman ang bagang niya. Mukhang galit na. Ano naman kaya ang ikinakagalit niya?

" Hey beautiful, " isang lalaking matangkad, gwapo, maputi at maganda ang katawan ang lumapit sa akin. Nakatitig siya sa akin na akala mo nakakita ng isang modelo , kitang kita kasi ang paghanga sa mata niya. He seems familiar? I think nakita ko na siya somewhere?

" Hey, " bati ko.

" Ganda mo pa rin talaga Addison. "

He know me. Saan ko nga ba siya nakita?

" Kilala ba kita? "

Napatawa siya sa sinabi ko at umaktong nasaktan, may pahawak pa sa dibdib niya.

" Magkasama tayo sa trabaho, hindi mo na ba talaga ako naalala ? Nakakasakit ka naman ng damdamin. "

" Sino ka nga? " Iritadong kung tanong.

" Raven, Ravin brooked. Remember? "

Ay sh*t! Ano ba naman yan?! Bakit mo siya kinalimutan? Sa lahat ng makakalimutan ko siya pa talaga? Siya lang naman kasi yung boss ko slash bestfriend ko. Kaya pala familiar siya sakin eh, ibang iba kasi ang ayos niya ngayon. Kung dati mahaba buhok niya ngayon hindi na, mas lalo siyang pumogi . At kung dati lalambot lambot siya ngayon naman hindi na, kasing tigas ata siya nang abs niya.

" Hawakan mo na, nahiya ka pa sa abs ko. "

Nagliwanag ang mata ko sa sinabi niya. Ngayon lang kasi ako makakahawak ng abs,

" Oo, bago pa magbago ang isip ko. "

Sumilay ang excitement saking katawan. Hahawakan ko na sana ito nang bigla na lang may humila sakin, sinulyapan ko si Raven na nakatulala ngayon samin. Tinignan ko ang humabol sakin at handa na sanang singhalan siya pero natikom ko ang bibig ko dahil sumalubong sakin ang masamang tingin.

" S-saan mo ako dadalhin Bricks? Si Peyton nandun pa! " Totoo naman talaga, si Peyton baka mapano yun.

Tumigil siya sa tapat ng elevator at masamang tingin ang ipinukol sa akin. Napalunok ako sa kaba, para niya akong kakainin sa uri ng titig niya.


" Don't worry about him, you should worry about yourself. " Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya, ano bang pinagsasabi niya?

" W-what do you mean? Sasaktan mo ba ako? "

He can't do this to me!

" Be ready mommy Addi, Daddy will take you to the highest level of heaven. "

Oh God,



💜

His Substitute Wife (Completed)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon