Chapter 15

440 9 0
                                    

A D D I S O N POV


" Raven!!! "

Agad na lumitaw sa harap ko ang humihingal na si Raven. Tagaktak ang pawis niya, lumapit siya sa akin at tinignan ang kalagayan ko.

" May nangyari ba? "

Umiling ako.

" Ibili mo ko ng standee ni Jimin, yung human size ah! Gusto ko yung kita abs niya. "

Nagsalubong ang makapal niya kilay.

" What the f*ck Addi! Akala ko kung napano kana , magpapabili ka lang pala tas ano? Yung may abs ni Jimin? Bakit dina lang abs ko? Mas maganda naman katawan ko dun. "

" No, gusto ko yun. Ang panget mo! "

" Aish! Kung di ka lang buntis nasipa na kita dyan tss! Dyan ka lang, bibili lang ako. " At tuluyan na siyang lumisan.

Yes, buntis ako. Nung isang linggo ko lang nalaman. Simula kasi ng manirahan kami rito sa korea ni Raven , paiba iba ang mood ko. Nag pt ako at pumuntang ob kasi baka nagkamali lang yung pt pero tama talaga eh, buntis ako. Nabuntis ako ni Bricks! Lakas ng sperms ng hinay*pak na yun! Isang gabi lang, nabuo agad. Isang buwan na din ang ipinagbubuntis ko, wala na din akong balita sa kanya kahit kila Ashley. Ayoko kasing magkaroon pa ng kontak sa kanila, masasaktan lang ako.

Oo, mahal ko si Bricks. Na realize ko lang nung nandito na ako sa korea, para ngang gusto kung bumalik eh kasi nakonsensiya ako.

Bumuntong hininga ako at hinimas ang tiyan kung may kaumbukan na. Hindi pa naman masyadong halata, parang bilbil lang.

" Namimiss ko na ang hotdog--- i mean ang dada mo baby. "

Bastos naman addi!

Nakatulog ako sa kakahintay kay Raven, nagising na ako't lahat lahat wala pa din siya. Gabi na din, dapat nga madali siyang nakabili agad kasi nasa hometown kami ni Jimin. Nasa Busan kaya kami. Nasan na kaya ang lalaking yun?

Bumalik ako ng kusina at kumuha ng pagkain, kumuha din ako ng gatas para sa buntis. Dinala ko ito sa sala. Binuksan ko ang tv at nanood ng video ni Jimin. Lahat puro fancam niya lalo na kapag may abs, jusko naglalaway ako. Ang pogi pogi ni Jimin. Siya ata pinaglilihian ko eh . Okag lang naman, gwapo naman tas yummy.

Matapos kung manood, pinatay ko na ang tv. Pumunta ako sa kusina at hinugasan ang kinainan ko. Pagkatapos, umakyat na ako sa kwarto ko. Tutulog na ako't lahat lahat wala pa rin si Raven. Naiinis ako!

Padabog akong nahiga, nasan na ba kasi siya?! Kanina pa ako naghihintay sa kanya! Gustong gusto ko nang makita abs ni Jimin eh!

Inis akong naupo sa kama at kinuha ang phone ko. Agad kung tinawagan ang numero ni Raven, nakailang ring at agad niya namang sinagot .

" Nasan ka na ba Raven?! Naiinis na ako sayo! Nasan na yung standee ni Jimin na may abs ha?! Potang*na mo! Kung may sisisirin kang kuweba dapat ipinadala mo na lang si Jimin dito sa bahay! Bwes*t ka! Umuwi kana! " Galit na galit kung turan pero walang sumagot sa kabilang linya. Napakunot noo ako, tinignan ko kung nandyan pa siya, nandyan pa naman . Ano na naman kaya trip nito?

" Ano na naman trip mo? Magsasa--- "


' Mommy Addi, '

Naningas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako pwedeng magkamali, kay Bricks ang boses na tuh siya lang din ang tumatawag sa aking mommy Addi maliban kay Peyton.

" Bricks? "


' Sexy. '

" Tang*na mo! Nasan si Raven? Anong ginawa mo sa kanya? "

' Come here and see, '

" Where? "


' Sa katabing unit mo, '



💜

His Substitute Wife (Completed)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon