Five months kaming namalagi sa Paris dahil gusto ko, ayaw ko sanang mamalagi siya doon dahil nasa pilipinas ang trabaho niya pero ayaw niya akong iwan. Palagi niya din akong sinasamahan na kahit sa pagdudumi kasama siya. Ewan ko ba sa kanya, na trauma ata siya nung iwan ko siya. Sa limang buwan na pamamalagi namin dito, wala siyang ibang ginawa kundi alagaan kaming mag ina. Palagi niya akong binibilhan nang gusto ko, kahit pa yung standee ni Jimin na kita abs. Selos na selos nga siya eh. Napapatawa na lang ako kapag nagseselos siya. Alam ko na din ang gender ng baby namin, pero hindi ko pa sinasabi sa kanya. It's a twin, boy and a girl. Wala siyang kaalam alam na dalawa agad ang naitanim niya sa loob ng sinapupunan ko. Lakas ng semen bheee !At ngayon ay nakahiga ako sa kama habang nakasandal ang likod ko sa headrest nito. Hinihimas himas ko ang tiyan kung malaki na ang umbok, 4 months to go makikita na namin ang baby.
Sinulyapan ko si Bricks na seryosong naglalagay ng dami namin sa maleta. Napagdesisyonan kasi naming umuwi at doon magpakasal, doon din ako manganganak.
" Are you done? " Tanong ko. Sinulyapan niya ako at tumango. Bali, dalawang maleta lang naman. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
" Do you want something? " Umiling ako.
" Anong oras flight natin? "
" It's up to you, nasa rooftop ang chopper ko. "
" Then what are we waiting for? Umuwi na tayo. Gusto ko nang magpahinga. "
He chuckled, " Okay mommy Addi, aalis na po tayo. "
Napangiti ako. Mas gusto niya daw tawagin akong mommy Addi simula ng marinig niya si Peyton na tumatawa nun sakin. About Peyton, kumusta na kaya siya? Nasabi kasi sa akin ni Bricks na hindi pala totoong anak niya ito, na ginamit niya lang si Ashley para makuha ang kompanya ng ama ko. Same with Ashley, na blackmail din papa siya nang magaling kung ama. Kaya ang galit niya dahil hindi sila natuloy magpakasal ng ex niya ,nabunton kay Peyton, sa anak nila. Pero sabi ni Bricks, ayos na daw si Peyton at tanggap niya. Matalinong bata si Peyton , naintindihan niya agad ang sitwasyon namin. Namimiss ko na tuloy siya.
Nakatulog ako sa buong biyahe, nagising na lamang ako na nasa kotse na. Nagmamaneho si Bricks at alam ko kung saang daan ito, patungo sa bahay niya.
Bricks held my hand tightly, nasa ibabaw iyon ng hita ko. He mouthed i love you kaya naman napangiti ako. Napakasweet niya talaga! Kinikilig tuloy ang garden ko.
Makalipas ang ilang oras , nakarating na kami sa bahay. Mula sa labas, kita ko ang tatlong kotse. Nangunot ang noo ko at tinignan si Bricks.
" You'll see baby, "
Bumaba ako sa kotse na agad inalalayan ni Bricks. Habang papasok kami, patuloy na inaalalayan ako ni Bricks hanggang sa makapasok kami.
Nang makapasok kami, bumungad sa amin ang mga taong nakatayo at mukhang inaabangan ang pagdating namin . Nangilid ang luha ko nang makita ang kambal ko kasama ang boyfriend nitong si Denver , karga din nito si Peyton na nakangiti samin, nandoon din ang mama ko na abot tenga ang ngiti. Nandoon din ang ina ni Bricks, patay na kasi ang daddy niya kaya mommy niya lang. Sinulyapan ko ang taong nasa gilid ni mama, sumama agad ang timpla ko.
" Bakit ka nandito? Nasa yung kabet mo? " Bricks held my hand and carries it. Pinapakalma niya ako.
" Hihingi ako ng tawad sayo anak, gusto kung humingin ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Alam kung mahirap ang hiling ko subalit gagawin ko pa rin. Mahal kita anak, sana mapatawad mo si Papa. "
Napabuntong hininga ako. Kahit balik-balitarin ang mundo , ama ko pa rin siya.
" Pinapatawad na po kita. "
Ngumiti siya at lumapit sa akin, niyakap ko siya na may ngiti sa labi.
Ang gaan sa pakiramdam na wala ang gulo. Sana ay magtuloy tuloy pa din ito.
💜