" Gusto mo bang ihatid kita sa school mo? " Tanong ko kay Peyton na agad namn niyang tinanguan. Inayos ko ang uniform niya saka kinuha ang bag. Humawak siya kaliwang kamay ko, sabay na din kaming bumaba sa sala. It's already 8 am in the morning, siguradong wala si Bricks ngayon. Right, kilala ko na siya. Nag research ako about sa kanya. He is Bricks Ferres Higgins, a billionaire tycoon. Biruin mo ba naman, napakaswerte nang kapatid ko, nakapag asawa ng mayaman pero nagtataka pa rin ako kung bakit ganun ang trato ni Bricks sa kanya, base kasi sa pagtrato niya sakin. Hindi sila okay ng kapatid ko." Daddy! " Bumitaw sa akin si Peyton at tumakbo palapit sa ama niya. He carried him and kiss is cheeks.
Bat ang gwapo gwapo niya? Bagay na bagay sa kanya ang pagiging ama at yummy pa.
" Done fantasizing me? " A baritone voice . Mabilis akong umiwas, hindi ko napansing nakatitig na pala ako sa kanya. Kasalanan niya naman! Sobrang gwapo ba naman kasi!
" Ako na ang maghahatid sa kanya. " Kinakabahan pa rin ako na baka hindi siya pumayag.
" You'll drive? " His brows creased.
" Oo, i can drive. "
" But Ashley can't drive. "
F*ck! Ang tanga mo Addi.
Tumikhim ako at alanganing ngumiti sa kanya.
" People change. "
Tinitigan niya lang ako, maya maya ay ibinaba niya si Peyton . Lumapit naman sa akin si Peyton, muli kung tinignan si Bricks, his still watching me, confused. Nahahalata niya na ba? Ano ba talagang ugali ni Ashley rito? D*mn!
Thank God, pumayag siya at ngayon kakarating lang namin sa school. Bumaba ako at hinatid siya hanggang sa gate ng school.
" Goodbye Mommy Addi! " Peyton waving and smiling at me. I smiled back.
" Be careful baby, don't do anything bad. " Tumango tango ito sa akin. Tuluyan na itong pumasok ng school kaya naman ay bumalik na ako sa kotse ko at pinaharurot ito.
T H I R D P E R S O N POV
He is watching her busy bidding goodbye to his son from afar, he's confused by the sudden changes of her. Maraming nagbago sa kanya lalo na sa personality nito.
" Goodbye Mommy Addi! " He heard his son bidding Goodbye.
Mommy Addi? Kunot noo siyang nakatingin sa anak, mukha kasing may alam ito na hindi sinasabi sa kanya.
Bumuntong hininga siya. Nakita niya ang pagpaharurot nito nang kotse papalayo sa school. Isa pa ito sa ipinagtataka niya, she doesn't know how to drive kaya paanong madali itong mag drive na parang expert.
" Follow her car, " agad sumunod ang Assistant niya. Haven followed his wife car. Idinala sila nito sa isang malaking bahay, not that too big like his house.
Mula sa kotse ay nakita niya ang pagbaba ng asawa, napakunot noo siya nang may sumalubong ditong isang hindi katandaan na babae. Yumakap ito sa kanya na may pag aalala.
" Mama, namiss kita. "
Lalong napakunot ang noo ni Bricks, ni kailanman ay hindi naging magkasundo ito sa totoong ina, naalala niya noong kasal nila. Parang hindi nito ang ina ang kausap kung magsalita kaya paanong naging mabuti ito sa ina?
" Namiss din ni Mama ang baby Addi kahit dalawang araw ka palang dun. "
Naririnig niya ang usapan nito dahil hindi naman sila kalayuan, mukha lang silang nakapark at may hinihintay. Bukas din ang sa may driver seat na bintana.
Dalawang araw? Baby Addi? Who are you, really?
" Kumusta ang apo ko anak? Okay lang ba siya? Alam ba niyang ikaw yan? " Sabi nang babae.
" Yes ma, natutuwa nga siya eh. "
" Mabuti kung ganun, "
" Mom, about my twin. Gusto ko na ata siyang balian ng leeg tss. "
Bricks smirked. She has a twin, and this woman name Addi is her twin. Her substitute.
" Let's go. "
💜