Chapter 5

429 7 0
                                    

Isang oras. Isang oras na akong nakaupo sa kama niya pero hanggang ngayon hindi niya pa rin nahahanap ang medical kit.

" F*ck! " Rinig kung mura niya mula sa banyo. Napabuntong hininga ako, kasi naman yung hinahanap niyang kit e nasa cabinet na nasa harap ko. Natataranta ba siya dahil sa nagawa niya sakin?

Narinig ko ang yapak niya habang nakatitig ako sa medical kit. Tumikhim siya at kinuha ang medical kit, nahiya siguro siya kasi mura siya ng mura kakahanap nasa harap ko lang pala. He sat down beside me, marahan niya akong pinaharap sa kanya, wala siyang sinayang na oras, ginamot niya ang bukol ko. Napatitig ako sa kanya, nakagwapo niya. Kaya siguro nabaliw ang twin ko dahil sa kakisigan niya. Habang ginagamot niya ako ay walang nagsasalita sa amin. Sa sobrang tahimik ay naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso ko, lalo pa itong bumilis nang magtama ang mata namin. Agad akong umiwas. F*ck! Kaya ayokong magkalapit kami eh!

After that, inayos niya na ang medical kit at nilagay sa dating lagayan. Tumayo na din ako,

" Salamat. Lalabas na ako, " dali dali akong nagtungo sa pinto pero hindi pa nga ako nakakahawak sa pinto eh tinawag niya ako.

" Let's eat together. " Pagkatapos nun ay dinaanan niya lang ako. Napanganga ako, tama ba rinig ko? Magsasabay kami?

Tahimik ang buong dining, tanging si Peyton lang ang maingay. Sobrang daldal ng batang tuh, nagmana talaga sa ina.

" Mommy Addi, Christmas break na po namin. " Nakangiting turan sa akin ni Peyton na agad kung ikinatango.

" Let's have a vacation, mommy, daddy please? Gustong gusto ko pong magsama tayong tatlo. "

Magsama? Hindi ba sila nagsasamang tatlo?

" It's up to your mom Peyton, "

Nagulat ako, bakit naman ako? Siya dapat kasi busy siyang tao eh.

" Okay lang sakin, sayo ba? " Tanong ko. Sinulyapan niya ako, napaka-gwapo talaga! Kainis!

" It's okay as long as we're together. "

Dahil sa sinabi niya ay nagsisigaw sa tuwa ang anak niya. Halos mabingi ako pero napangiti na lang ako. Mukha kasing ngayon lang siya naging ganyan kasaya. Nang matapos ang pagkain namin ay umalis na si Bricks, si peyton naman ay naglalaro sa garden. Kasama niya si Delia, nakatanaw ako sa kanila.
Tinawag ko si Delia, agad naman itong lumapit sa akin. By the look of her, she looked confused. Kailangan kung umamin sa kanya para malaman ko kung anong nangyari sa bahay na tuh. Kung bakit ganito kabigat at kasungit ni Bricks.

" May sasabihin ako sayo pero sekreto lang natin ito, tanging ikaw, ako at si Peyton lang ang makakaalam okay? "

She nodded.

" Hindi ako ang amo mo, ako si Haeley Addison. Ashley's twin, " pagkatapos kung sabihan iyon ay ngumiti siya. Napakunot naman ang noo ko.

" Alam ko po yun Ate, napansin ko kasi yung pagkakaiba niyo tapos mahal na mahal mo pa si Peyton kaya lalo kung napatunayang hindi ikaw yung amo ko. Saka Ate hindi ko tuh sasabihin kay Sir Bricks, promise po. "

" Salamat Delia, "

" Mas gusto ko nga pong kayo na lang napangasawa ni sir eh kaysa sa kakambal niyo. Napakasungit po kasi nun tas palagi pang sinasaktan si Peyton saka alam niyo ba Ate, hindi naman siya mahal ni Sir eh kinasal lang naman sila kasi nabuntis daw ni Sir si Ma'am ashley. Pero ate wag mo sanang isipin na sinisiraan ko ang kakambal niyo, nakita ko po kasing may kahalikang lalaki siya bago siya umalis patungong paris. May pagkakahawig nga po kay Peyton eh. "

May pagkakahawig kay Peyton? Posible kayang nagsisinungaling lang si Ashley? Pero bakit niya naman gagawin yun? Baliw na ba siya? O dahil na naman sa matandang yun?!

Kailangan kung makausap ang matandang yun!

💜

His Substitute Wife (Completed)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon