' Office, now. 'Napakunot ang noo ko sa text na natanggap ko mula kay Bricks. Bakit naman ako pupunta dun? Saka anong kailangan niya? Kung maka-utos naman siya dyan parang aso lang ako ah?! Kapal niya! Makuha ko lang ugali mo, tiyak na ako masusunod sa ating dalawa! Tss!
Padabog kung sinuot ang long leather jacket ko, buti na lang hindi pa ako lumulublob sa pool . Balak ko pa naman maligo dun,
Tinawag ko si Delia na busy makipaglaro kay Peyton, tumigil siya at tinignan ako.
" Ikaw na muna ang bahala kay Peyton, pinapatawag ako ng amo mo. " Isang kilig ang natanggap ko mula sa kanya. Tss. Shipper!
Pagkarating ko sa napakataas na kompanya niya , pinapasok agad ako. Pinasundo niya pa ako sa personal Assistant niyang si Haven. Himdi naman kami natagalan sa pagpunta sa pinakataas ng building kung saan ang office ni Bricks. Naiirita tuloy ako, bakit ba naman kasi sa napakataas? Tss.
We stop at the front door, there's a sign hanging. CEO Office
Binuksan ko ito at hindi na hinintay pang buksan ni Haven. I have my own arms, I can do it by myself tss. Pinagmumukha akong lumpo tss.
Nang makapasok ako naabutan ko siyang may binabasa, umupo ako sa upuang kaharap ng table niya. Ibinaba niya agad ang binabasa niya nang maramdaman niyang may kasama na siya sa office niya. Tinignan niya lang ako at kinuha ulit na papel kasama ang isang ballpen. Kunot noo ko siyang sinulyapan.
" Ano tuh? "
" Sign it and don't ask. "
" Bakit naman ako susunod sayo? " Iritadong kung tanong.
" Because I'm your husband. "
" Hindi ki--- ah yeah. " Sh*t! Muntik na.
Agad kung pinirmhan ito na hindi pa binabasa, ayaw niya naman na basahin ko eh edi okay. Matapos kung mapirmahan yun, nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya sa labi niya. Nang mapansing nakatingin ako ay sumeryoso siya.
" Officialy, "
" Huh? " Kunot noo kung tanong .
" Nothing. by the way pack your clothes and peyton . Good for 1 week, we're having a vacation starting tomorrow. "
Wala pa si Bricks kaya naman nauna na kaming kumain ni Peyton. Ngayon, nandito ako sa kwarto ni Peyton at inaayos ang damit niya. Sa sobrang excited niya nakatulog siya. Matapos kung mai-ayos ang damit niya saktong bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Bricks, mukhang binisita niya si Peyton.
" Kumain kana ba? " Tanong ko. Mabilis siyang umiling. " Then, iinitin ko na lang yung tira namin kanina. Halika na, " mas nauna na akong lumabas sa silid ni Peyton, dumiretso ako sa kusina at ginawa ang dapat gawin. Inayos ko na din ang kakaininan niya. Ilang sandali lang ay dumating na siya, nakasuot na siya ng sando at short. Kaya siguro hindi siya agad sumunod dahil nagpalit pa. Matapos kung mainit iyon ay hinainan ko na siya, nakaupo na siya ngayon habang hinihintay matapos ang ginagawa ko. Ramdam ko ang titig niya sakin, naiilang tuloy ako.
" Ashley can't cook, " sambit niya. Nanigas ako. Sh*t!
" People change, sabi mo eh. " Isang mapang asar na ngisi ang ipinukol niya sakin. Hindi ko na lang siya pinansin at tinapos na lang ang ginagawa ko.
Nagsimula na siyang kumain, dahil wala na din naman akong gagawin ay umalis na ako dun. Hindi ko kaya ang presensiya niya pati na din yung amoy niyang sobrang bango. Kainis!
Nang makarating ako sa silid ko, agad na din akong natulog.Sana magising na si Ashley, delikado na ng buhay ko rito eh tss! Sasabunutan ko pa siya kaya hindi dapat siya mamatay!
💜