(Warning: This scene might be offended to some readers and includes some sexual scene that is not suitable for some readers aged 18-below. Strict parental guidance is needed.)
--
Chapter 55
Nagising ako nang mabasa ang message mula kay Manang Rosie.
Isang masamang balita.
Kaagad akong napabalikwas at kinuha ang phone na nasa gilid ng kama ko. May mangilan-ngilang mga text messages doon na ngayon ko lang binuksan.
Para akong naistatwa sa kinakahigaan ko nang madaanan ng mata ko ang isa sa mensaheng 'yon.
'Patay na yung aso mo. Patay na si Mario.'
This is not true. This could not happen to Mario.
Nakatulala ako habang binabasa 'yon. Siniguradong hindi ako namamalikmata lang sa mga nabasa. Nabitawan ko ang cellphone na hawak at may mga luhang patuloy na tumutulo sa mga mata ko.
Ilang minuto akong ganon hanggang sa natauhan ako at kaagad tinawagan si Manang Rosie via zoom.
"Sagutin mo," sabi ko habang pinupunasan ang luha. Na-disconnect ang tawag na 'yon kaya I dialed her for the second time. Sa pagkakataong 'yon ay sinagot niya na.
Nagsalita ako nang makita ko na nandon siya sa kabilang linya.
"N-asaan si Mario? Anong nangyari sa kanya?" Sunod sunod kong tanong habang nagpupunas ng luha.
"Nandito po siya, Ma'am. Kakamatay lang niya. Bigla na lang nanghina at 'di kumakain, ilang linggo tapos ngayon, nakita ko na lang siya sa kama niya na walang buhay."
Nakaraan ay tinext ako ni Manang Rosie at Kuya Roger sa kondisyon ni Mario. Pinadala ko siya sa pinakamalapit na vet clinic dahil hindi ko kayang umuwi.
We're still not in good terms with my family and I don't want to see them because everything went flashing back. Kung paano sila nagsinungaling at kung paano nila tinago ang lahat sa'kin.
Binigyan siya ng vet doctor ng vitamins, injections at gamot para sa pagsusuka at panghihina.
Three days ago lang 'yon pero ba't naman ganon ang nangyari ngayon...
Halos parang gumuho ang mundo ko nang makita ang katawan niyang nakapatong sa bed na pina-customize ko pa para sa kanya. Tuloy tuloy na umagas ang luha sa mga mata ko.
"M-ario... Baby, nandito na si Mommy. P-lease, wake up..." Nakaharap ang camera sa katawan ni Mario kung saan wala ng buhay.
Kung sakaling nabantayan ko siya ng maayos ay hindi 'yon mangyayari sa kanya. Hindi siya mawawala sa'kin.
Masyado akong nag-focus sa mga pino-problema ko to the point that I forget to took care of him. I decided not to bring him in my condo because aside from I am busy in school, wala na din akong oras para sa sarili ko. It's better if he will stay in my parent's house dahil doon may titingin at mag-aalaga sa kanya.
The same day, I asked a favor to Manang Rosie to brought Mario in my condo. Pinahatid ko na lang siya kay Kuya Roger para hindi na siya mahirapan mag-commute.
Ilang oras ang nakalipas ay narinig ko ang doorbell, nang binuksan ko 'yon ay nakita ko si Manang Rosie na may bitbit na kahon, nasa loob no'n si Mario. I get the box away from Manang Rosie, I opened it and saw Mario inside peacefully sleeping.
Kasabay non ay ang pag-iyak at paghagulgol ko nang mailapag si Mario papasok sa table ng unit ko.
Wala nang hirap. Hindi na siya mahihirapan.
![](https://img.wattpad.com/cover/191941832-288-k655033.jpg)
BINABASA MO ANG
Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)
Teen Fiction(Contract Series #1) Rio Crizel Mallari Hechanova always wanted to have a simple college life... ngunit nabago 'yon dahil sa isang prank. She made a prank to his ultimate campus crush--Mark Joseph Viado. She messed up everything and her life was in...