Prologue

3K 43 2
                                    

Prologue

Pagod na pagod akong lumabas ng pinto ng emergency room. Bitbit ang gamit ko, ang bag na dala ko mula pa sa school.

Humakbang ako para sana sumakay sa elevator pababa pero bago pa man ako makagawa ng hakbang ay nakita ko siyang nakatayo sa bandang dulo ng parte ng hospital.

Walang buhay ko siyang tinignan.

"Babe..." Nakita ko siya sa kabilang dulo ng hospital malapit sa emergency room kung saan ako nakaupo kanina.

Humakbang ako paatras.

"Rio..." muli niyang tawag, pero ngayon ay sa pangalan ko na.

Pagewang-gewang siyang humakbang ng dahan dahan sa harapan ko, gulo-gulo ang buhok at gusot ang damit. Wala sa sarili. Kahit hindi pa man siya nakakarating ng diretso sa pwesto ko, alam kong lasing siya dahil namumugto ang mata niya.

"Mag-usap tayo, please," hinawakan niya yung braso ko na kaagad kong hinawi.

Walang emosyon ko siyang hinarap.

"Bitawan mo ko. 'Wag mo 'kong hawakan, nandidiri ako sa'yo."

Naglakad ako papunta ng fire exit ng hospital para iwasan siya at lumayo sa ibang tao. Ayokong gumawa ng eksena at pagtignanan ng ibang tao dito.

Hindi siya natitinag. Sinundan niya ako hanggang sa huminto kami sa tapat ng pinto non. Mas lalo niyang idiniin ang sarili sa akin.

"Please, talk to me..." Muli niya akong hinawakan ngunit buong lakas ko siyang tinulak.

"Wala tayong dapat pag-usapan." Pinagmasdan ko yung mga mata niyang may namumugtong luha. Gulo gulo yung suot niya pati na rin yung buhok niya.

Tuwing titignan ko siya, galit ang nararamdaman ko. Galit sa ginawa niya sa akin.

Nanginginig ang buong katawan ko, kinuyom ang kamao at pinakalma ang sarili at emosyong rumaragasa sa akin ngayon.

Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sampalin at suntukin para naman maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko ngayon pero pinigilan ko ang sarili.

He tried to hold me but I strongly pushed his hands away from me.

"Let's fix this. Ayusin natin, p-please." Pagmamakaawa niya.

"Wala tayong dapat ayusin dahil matagal na tayong sira."

Nagpapanggap na lang kami na okay.

Nagpapanggap na lang ako na hindi ako nasasaktan sa mga ginagawa niya dahil takot akong magkaroon ng lamat ang relasyon na matagal naming binuo.

But later I realized, matagal nang may anay sa pagitan ng pundasyon, matagal na 'yong nabuwag—paunti-unting naubos... hanggang masira ng tuluyan.

God knows how I tried to composed myself... Not to cry in front of him.

Dahan-dahan kong pinunasan ang luha na tuloy tuloy na bumubuhos sa mga mata ko. Kahit anong pilit ko wala...

Pwede bang gumising na lang na walang nararamdaman? Na maglaho na lang lahat ng ito.

I'm sick of it, sick of everything.

"This is the first time I asks for a favor. Mark, ngayon lang! Sa dami ng pagkukulang mo..."

I never asks him to help me. Ngayon lang.

Ayokong manumbat dahil pinili ko naman to, e. Dahil choice ko na unawain siya. Na intindihin siya sa madaming pagkakataon pero nakakapagod din pala.

"You chose to ignore me. You chose not to help me. You basically chose her over me."

I never asked him to do things that out of his choices. Never akong nakihati sa oras niya. Wala siyang narinig na reklamo mula sakin simula nung magbago siya ng pakikitungo at ng mga inaakto nitong mga nakaraang buwan.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon