Chapter 14

679 19 1
                                    

Chapter 14

Eris made me feel that he's concern by hugging me tightly.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagre-react ako ng ganito.

Dahil ba itinanggi ni Mark na kilala niya ko o dahil sa ginawang paghalik ni Amethyst kay Mark?

Umiiyak ako habang yakap ako ni Eris .

I tried to composed myself again, trying to control the tears now dripping down on my eyes. Huminga ako ng malalim. Mistulang nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak.

"Uuwi na 'ko." Dahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap ni Eris sa'kin. Ni hindi ako nagtangkang linungin ang direksyon nila Mark dahil paniguradong makakaramdam na naman ako ng kakaibang sakit sa nakita ko.

Dumiretso ako sa table na inupuan namin nila Chelsea at agad na kinuha yung bag 'ko. Wala kong pakialam kung tinitignan ako ng ibang bisita dahil patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko sa mata.

I need to go away from this place, from this toxic place.

I looked at Aileen and Chelsea, ten meters away from me. Nagsasayaw sila kasama nila Line and Bridge, they're enjoying the party.

Hindi ko na sila inabala dahil ayokong maging dahilan para masira yung momentum.

I went straight to the gate at agad akong pinagbuksan ng guard na kaninang nagbukas din sa'min.

"Wait, Crizel." Hindi ko nilingon si Eris but he slowly held my hand that make me puzzled. I feel his warm hand, he looked at me in the eyes. I get his hand away from me. "Ihahatid na kita sa inyo."

Umiling ako.

"Magta-taxi na lang ako." Wala rin akong balak na sumakay sa motor niya dahil reckless siyang magpatakbo. Ayoko pang mamatay. Mahal ko pa yung buhay ko.

Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko.

"Just go with me. Ihahatid na kita sa bahay niyo," he said in calmly manner. "Mahirap nang maghanap ng masasakyan ngayong dis-oras ng gabi."

"Hindi ako sasakay sa motor mo. I would rather chose to commute than ride your motorcycle," sabi ko habang umiwas ng tingin, pinupunasan ang luha ko.

Umigting ang mga panga niya sa sinabi ko at tumingin ng malalim sa mga mata ko.

Ngumisi siya. "I will use my car to bring you home. Just wait for me there." I watched him walked away and get his car from the side of the road where he parked his car.

Bumalik din siya matapos i-start yung sasakyan niya at huminto sa harapan ko.

I gulped.

He slowly opened the car window and gave me a glare before he speak.

"Go inside," sabi niya habang marahang binubuksan ang pinto ng kotse niya para pagbuksan ako.

Ayoko ko rin namang mahirapan sa paghihintay ng masasakyan at may phobia pa rin ako sa nangyari sa'kin last Saturday sa village nila Mark.

I felt the cold temperature and weird atmosphere when I went inside his car. I can't looked at him straight from the eyes after that scenario.

He again start the engine and when things are on their right track, he started to drove away.

Tahimik lang ako buong byahe. Alam kong gusto niyang kamustahin yung kalagayan ko pero hindi siya nagtangkang tanungin ako sa nangyari sa'kin. I know that he's aware on what's happening.

Things reminiscing as I looked at the window where the rain pouring hard. Bakit palagi na lang umuulan kapag may nangyayari sa'king masama? Hindi ko alam kung nananadya na yung panahon o talagang nagkataon lang.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon