Chapter 46
"Where are you? Anong oras na? Anong balak mo?" sunod sunod na tanong ni Chelsea at Aileen habang kausap ko sila through video call.
Napakamot ako sa ulo ng marinig yung boses ng dalawa. Nakatayo ako sa labas ng village habang hinihintay yung grab na tinext ko.
"Calm down, okay? Hindi na nga ko magkandaugaga dito, e." Sa dami ba naman kasi ng araw na pwede akong mahuli ng gising, bakit ngayon pa kung kailan laban ng team nila Mark?
"So, kami pa may kasalanan kung na-late ka?" Chelsea sarcastically uttered. "E'di sana gumising ka nang maaga ng hindi mo kailangan mag-madali 'di ba?"
Anong oras na rin kasi ako hinatid ni Mark sa bahay kagabi matapos naming mag-dinner at wala pa talaga 'kong maayos na tulog. I feel like my body were about to give in because I was too sleepy head. Kung pwede nga lang humiga dito sa kalsada, ginawa ko na sa sobrang antok.
After minutes of waiting for my service, a taxi just stopped in front of me. Halos mapatalon ako sa sobrang tuwa ng dahil doon. I hurriedly make a step to open the car door and went inside.
"I'm on my way na. Hintayin niyo na lang ako d'yan," I butt in.
"Aba, bilisan mo! The game were about to start!" I ended the call after that.
Hindi na ko nagpasundo kay Mark dahil kailangan niyang mauna para makapagpractice pa sila before the actual game start. And besides, ayoko na siyang abalahin. Not because he's my boyfriend doesn't mean he's obligated to bring me in school every morning. He has his own life and I don't want to make him feel that I'm controlling him.
Kailangan ko nang makarating bago pa magsimula yung game. I promised Mark that I will watch him win this game. I need to be there to witness that victory.
It will be the first time na mapapanood ko siyang maglaro sa loob ng court. I wasn't able to watched his game last foundation day because I was one of the players sa team ko ng volleyball.
That time, Mark's opponent came from Eris' school team--where Eris is the captain ball. Grabe din talaga magbiro ang tadhana 'no? Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o talagang sinadya na yung dating magkalaban ay magkakampi ngayon.
I wish nothing bad will happen while they were on the game. Sana hindi maapektuhan ng kung ano mang personal issue yung laro nila dahil kailangan nilang manalo.
--
Narating ko ang gate ng school. Tagaktak pa yung pawis sa noo pababa sa mukha ko sa kakamadaling makapasok sa loob.
Madaming mga tao sa labas at sa loob ng campus. Yung iba pamilyar yung mukha pero yung iba ay mukhang galing sa ibang school. Tuwing Intramurals kasi sa school namin, outsider are allowed to go inside but they need to leave their identification card and write their names, school and the time they in on the log book.
Siksikan sa loob kaya natagalan ako bago makapasok sa loob. At nang makapasok na ako ay agad akong naglakad sa hallway patungo sa gymnasium kung saan gaganapin yung game. Thanks God, hindi pa nag-start yung game. Actually, almost thirty minutes pa bago magstart yung laro kaya para kong nabunutan ng tinik sa dibdib ng marating yung tapat ng pinto ng gymnasium kung saan sinalubong ako ng alon ng tao.
Hindi ko in-expect na sobrang dami ng pupunta ngayong araw. Sobrang ingay sa loob at nagmistulang mga insektong maliliit ang mga tao sa loob sa dami nila. Mukhang malabo akong makapasok. Mukhang malabo na makita ko sila Aileen at Chelsea sa loob.
"Nasaan ka na? Hinahanap ka na ni Mark sa'min." Napahinto ako ng mabasa yung message ni Aileen sa group chat naming tatlo. Yeah, we're weird. Gumawa kami ng group chat kahit kaming tatlo lang ang member. Tamad lang talaga kaming magmessage sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)
Roman pour Adolescents(Contract Series #1) Rio Crizel Mallari Hechanova always wanted to have a simple college life... ngunit nabago 'yon dahil sa isang prank. She made a prank to his ultimate campus crush--Mark Joseph Viado. She messed up everything and her life was in...