Chapter 16

723 23 3
                                    

Chapter 16

Almost half hour kaming bumyahe ni Eris para ihatid ako sa bahay. The whole time, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. I still think about Ate Diane's text message.

What is the reason why she's texting me and even called for several times? May nangyari kayang masama kay Mark?

I looked at Eris when he parked his car. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan niya habang bitbit yung shoulder bag ko. Wala ako sa sariling lumingon sa kanya nang nagsalita siya.

"Naiwan mo si Erio."

I gave him a glare, confused.

"Erio?" tanong ko.

"This dog stuffed toy," sabi niya habang seryoso ang mukha. "From now on, he will be named as Erio. The combination of your name and my name."

Hindi ko ma-explain kung bakit nakangiti ako the whole time na inabot niya sa'kin yung dog stuffed toy. Natawa lang ako sa pangalan na Erio. Ang brainy kasi niyang mag-isip. Afterwards, he wave his hand and drove away.

Nakangiti parin ako habang pinagmamasdan yung kotse niyang papalayo sa direksyon ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng may mangalabit sa'kin mula sa likuran ko dahilan para mapasigaw ako ng malakas.

"Mom naman, e! Bakit ba bigla bigla kayong sumusulpot d'yan?" Napalitan ng simangot ang kaninang nakangiti kong ekspresyon.

"Sino yung naghatid sa'yo, ha? Hindi ganon yung kulay ng kotse ni Mark," tanong ni Mom habang nakataas ang kilay.

Patay na!

Ibinaling ko yung tingin ko sa iba dahil hindi ako makatingin ng diretso sa mata ni Mom.

"Ahm...Si E-Eris po 'yon," I stutter.

Nagbago bigla yung reaction niya sa sinabi ko.

"Ah. Yung secret admirer mo?"

"Of course, not! Hindi ko siya secret admirer, mom. He's my friend."

"Okay. Sabi mo eh," sabi niya. "But wait, bakit hindi ko na nakikita si Mark na hinahatid ka o bumibisita man lang sa bahay? Magkaaway ba kayo?"

Napahinto ako sa sinabi ni Mom. Sana hindi nabanggit ni Kuya James yung pinag-usapan namin ng nakaraang gabi tungkol sa misunderstanding namin ni Mark. Matanong pa naman si Mom at for sure, kukulitin niya ako kung anong pinag-awayan naming dalawa. Mahirap na at baka mahalata niya yung in-relationship acts namin ni Mark.

"Hindi po kami magkaaaway ni Mark. Bakit naman kami mag-aaway non? Actually, nagkita pa po kami sa school kanina. We're okay, busy lang talaga si Mark sa thesis making nila sa major subject kaya hindi niya 'ko nahahatid pauwi," paliwanag ko. "I talked to him already. By next week, pupunta daw siya dito sa bahay."

I smiled at her. Sana hindi niya mahalata na nagsisinungaling lang ako.

"Nagtatanong sila Kuya Moises at Isaac mo kung pumupunta ba daw rito si Mark. Last time kasi na nagpunta dito si Mark, ang sabi niya magbabasketball silang apat pero hindi matuloy tuloy.

"Don't worry, mom. I'll tell him about that."

Sa sitwasyon namin ni Mark ngayon, malabo na pumunta siya sa bahay para lang bisitahin ako at makipaglaro ng basketball sa tatlo kong kuya o kahit ihatid man lang ako sa bahay after my class. Until now, he's mad at me.

"Ayos ka lang ba?" natauhan ako mula sa pagkatulala nang nagsalita si Mom.

"Pasok na po tayo sa loob. I need to dress up," I said before we came inside our house. Malamig na rin kasi sa labas dahil medyo pagabi na at ilang minuto na kaming nag-uusap don.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon