Chapter 42

535 15 7
                                    

Chapter 42

Para 'kong nabingi sa narinig ko mula kay Ate Diane. I tried to contact her again but she didn't pick up the call.

I tried to calm myself.

Tears began to flow on my eyes. Naglakad ako palabas ng gate namin ng makasalubong ko si Manong Roger.

"Ano pong nangyari sa'yo, Ma'am?" I composed myself in front of him.

"I need your help, Manong. Please, bring me to Mark's house. May nangyari po kasi..." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Agad na kinuha ni Manong Roger yung kotse ni Mom.

Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kanila kung bakit kailangan kong umalis. Ang mahalaga ngayon makapunta ako kila Mark.

Walang mangyayaring masama kay Mark. Wala.

Kung ano anong tumatakbo sa isipan ko habang nasa loob ako ng kotse. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong huwag umiyak pero bigo ako. Tuloy tuloy na lumalandas sa mata ko ang mga luha ko.

Anong nangyari kay Mark? Kanina narinig ko pa yung boses niya habang nagsasalita sa school speaker and now, he's involved in a car accident?

Gulong gulo na yung utak ko at hindi ko magawang makapag-isip ng maayos. Mas lalo lang sumisikip yung dibdib ko habang iniisip na hindi ko na siya makikita.

He's been part of my life---both in good and bad times. Hindi ko gusto na mawala siya... Lalo pa ngayon na hindi kami nagkakausap. Mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko sa ideya na pwede siyang mawala ng hindi man lang kami nakakapag-ayos.

Natatakot ako na baka ito na yung huling beses na makikita ko siya.

We reached Mark's house. Inalalayan ako ni Manong Roger palabas ng kotse. Hindi na ko nagpasama kay Manong Roger. Naiwan siya doon para bantayan yung kotse sa labas kung saan naka-park yung sasakyan.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng bahay nila. Kahit nanginginig ang mga paa ko ay naglakad ako papasok. Tinawag ko ang pangalan ni Ate Diane pero walang sumasagot. Walang tao sa loob ng bahay, walang mga katulong o kahit sino man. Tanging ako lang yung nandoon.

Nakapatay ang ilaw sa loob ng bahay. Nababalot ng dilim ang buong lugar. Nagbakasali akong pumunta dito para tanungin kung saan sinugod na ospital si Mark pero mukhang malabo dahil wala akong nadatnan na kahit na ano.

I go upstair to looked for Ate Diane. Kahit hirap na hirap ako dahil sa injury ko, pinilit ko paring umakyat at puntahan yung kwarto ni Ate Diane kahit parang malabong makita ko siya doon.

"A-Ate Diane? Nandito na 'ko. Nasaan na kayo?!" sigaw ko habang hindi mapigilang humikbi. Napaupo ako habang napasubsob sa tuhod ko ng hindi ko siya makita sa loob.

Tumayo ako at pinunasan yung luha ko. Huminga ako ng malalim.

Hindi ito yung oras para umiyak. Kailangan kong makita si Mark.

I get my phone inside my pocket. Muli kong tinawagan yung number ni Ate Diane. I dialed her number for several times but I can't reached her.

"Please, answer my call..." I said, holding my phone with my trembling hands.

In just one snap, my attention glued to the direction of the rooftop. May ingay na nagmula doon.

Bukas ang ilaw at may naririnig akong ingay kaya kahit hindi ako sigurado ay naglakad ako palapit doon. I hold the door knob, I push it gently and walk up stairs.

I know it's impossible for me to see them there but I was too desperate. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman kung nasaan si Mark.

I heaved a sigh.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon