(Warning: This scene might be offended to some readers and includes some sexual scene that is not suitable for some readers aged 18-below. Strict parental guidance is needed.)
Note from the author: I knew most of you will jump out to see the ending, to spoil yourself if they're end game or not, but please don't do that. Give yourself a chance to read it from the start to fully understand the story. I promised that you will never regret reading it. I work hard to wrote this story and I hope readers will enjoy every piece of my dedication and passion in my craft. Thank you for understanding! Love lots! 🧡
--
Epilogue (Part I of II)
Mark's Point of View
"Tumahimik ka na! Tapos na 'yon! Tapos na kung anong meron kami kaya tigilan mo na siya!"
Umakyat ako sa hagdan nang marinig ang malakas na sigawan na nangyayari sa second floor ng bahay namin.
Nakita ko si Ate Diane na nakatayo doon at nakasilip sa bukas na pintuan sa kwarto ni Mom. Nagpunas siya ng luha nang makita na nakatingin ako sa kanya.
"What are you doing here?" tanong ni Ate habang nagpupunas ng luha. "You don't need to see this. Bumaba ka na doon."
Mga bata pa kami noon. I think she's seven years old while I'm four years old. Bata pa lang kami pero aware na kami sa nangyayari. Alam na namin kung anong klaseng relasyon ang meron ang mga magulang namin.
"No. Let me stay," pagtanggi ko dahil gusto kong marinig kung anong pinag-uusapan nila.
"Ate, huwag ka nang umiyak," sabi ko sa kanya habang tinutulungan siyang punasan ang luha niya gamit ang mga likod ng kamay ko.
She hugged me while her tears keeps on pouring down on her cheek. We're still young but we need to be strong for our Mom... for ourselves. For each other.
My Dad and Mom had their separate rooms. Nagpapanggap lang sila sa harap namin na magkasama sa isang kwarto pero alam naman naming dalawang magkapatid na hindi—na nagsisinungaling sila.
Gaya ng pagsisinungaling nila na maayos ang marriage nila.
"Huwag mo nang ibalik ang nakaraan dahil dati na 'yon... Pinakasalanan mo na 'ko 'diba? May mga anak na tayo pero bakit ganyan ka parin umasta? You're still insecure about her!"
"Because you made me like this! You gave me reason to doubt you! You gave me a lot of reasons to be insecure about!" bumaling si Mom kay Dad nang maglakad ito palayo. Humarang ito sa harap niya. "Siguro mahal mo parin yung babaeng 'yon no? Siguro hindi ka parin maka-move on sa kanya hanggang ngayon?"
Umiling si Dad. "You're crazy. Unbelievable! I choose you over her! We're married. Ikaw ang pinili ko! For fuck's sake!"
May mga luhang tumutulo sa mata niya.
"Sana nga hindi na lang ako ang pinili mo... dahil alam ko naman na hanggang ngayon siya parin ang gusto mo. You were stuck with me because you had no choice but to marry me to save the bankruptcy of your Dad's business, right?"
Natahimik si Dad.
"Enough," pilit tinanggal ni Dad ang pagkakapit ng kamay ni Mom sa kanya at naglakad ito palayo. Bago pa kami maabutan ni Dad sa labas ng pinto na nakikinig sa usapan nila, nagtago kami sa gilid ng pader ng kabilang kwarto ni Ate Diane upang hindi niya kami makita.
Nang nakaalis si Dad at bumaba ng first floor, narinig ko ang kotse niya na humarurot palabas ng mansion. Aalis na naman siya. Tatakas na naman siya para iwasan si Mom ng ilang linggo, minsan ilang buwan pang hindi uuwi tapos parang baliw na naman na mag-aalala si Mom at maghahanap kung saan.
BINABASA MO ANG
Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)
Novela Juvenil(Contract Series #1) Rio Crizel Mallari Hechanova always wanted to have a simple college life... ngunit nabago 'yon dahil sa isang prank. She made a prank to his ultimate campus crush--Mark Joseph Viado. She messed up everything and her life was in...