Chapter 34
"I will steal you away from him. Mark my word."
Ilang ulit na nag-echo sa utak ko yung huling sinabi ni Eris. Kasabay ng abnormal na pagtibok ng puso ko. Parang paunti unting nanghihina at nawawalan ng lakas yung mga tuhod ko ng dahan dahan niyang isinara ang pinto ng kotse niya. Hindi parin humihiwalay ang titig namin sa isa't-isa hanggang sa tuluyan na niya kong iniwan don.
Tulala.
Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to... Itong ganitong pakiramdam. Pinagmasdan ko ang kotse niyang paunti unting umaandar palayo. Ilang minuto lang nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.
Eris
Good night. Everything will be okay. Smile :)
I fake a smile. Pinilit kong ngumiti gaya ng sinabi niya pero hindi ko maitago ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Napasapo ako sa aking noo ng maalala na naiwan ni Eris sa'kin yung jacket niya na suot ko parin hanggang ngayon. Hindi ko naibalik sa kanya. Ite-text ko na lang siya para isauli sa kanya 'yon. Sa ngayon, kailangan ko ng magpahinga dahil pagod na 'ko.
Literal na pagod.Tahimik kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng apartment. Dis-oras na ng gabi at paniguradong tulog na sila Aileen at Chelsea kaya dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng kwarto ng may humawak sa balikat ko.
"Bakit ngayon ka lang, aber?" bungad na tanong sa'kin ni Chelsea habang may hawak na baso ng gatas. Nasa tabi niya si Aileen na kumakain ng sandwhich.
"Bakit gising pa kayo? Gabi na ah." Pilit kong iniba ang topic para hindi na sila magtanong ng kung ano pa pero mukhang nahalata nila na may kakaiba sa'kin.
"Ikaw? Bakit ngayon ka lang dumating?" tanong ni Aileen habang kinakain ang sandwhich niya. "Bakit basang basa ka at bakit ganyan ang suot mo? May nangyari ba sa'yo?"
Umiling ako.
Iniwas kong tumingin sa kanila dahil paniguradong hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Bubuhos lang ang lahat ng emosyong meron ako. Wala akong lakas na magkwento pa sa dami ng nangyari ngayong gabi. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay magpahinga.
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang nangingilid na luha sa mga mata ko.
"Walang nangyari..."
"Hinatid ka ba ni Mark?" Umiling ako.
"Saan kayo nagpunta? Nag enjoy ka ba? Magkwento ka naman."
"Hindi," Nagulat sila sa isinagot ko. Nagsimula ng magsibagsakan ang mga tubig sa mata ko na pinilit kong pigilang bumagsak. "Hindi siya pumunta. Wala akong ikikwento dahil hindi niya ko sinipot. Walang nangyaring dinner. Gago siya! He invited me for dinner pero wala naman pala siyang balak pumunta. Bwisit siya! How dare he?!" Tuluyan na kong humagolgol ng iyak sa harap nila. Akala ko naubos na lahat ng luhang meron ako sa mata pero mali ako. Hindi pa nauubos.
Aileen slowly tapped my back and rest my head on her shoulder. Bakas ang pag-aalala sa mukha nilang dalawa. Wala na kong nagawa kung hindi ipikit ang mata ko at ibuhos lahat ng luhang meron ako habang patuloy sa paghagulgol.
"Gusto ko ng magpahinga..."
Bahadya akong humiwalay kay Aileen at nagsimulang maglakad papasok sa loob ng kwarto ko. Hinayaan lang nila ko sa gusto kong gawin hanggang sa tuluyan na kong nakapasok sa kwarto ko. Isinara ko ang pintuan. Naririnig ko silang kumakatok sa pintuan pero hindi ako naglakas loob na buksan ito.
Gusto ko lang mapag-isa. Gusto ko lang ibuhos lahat ng galit na meron ako. Lahat ng sama ng loob ko kay Mark.
Napaupo ako sa lapag. I find myself hugging my knees while crying so hard. Naririnig ko ang nagaalalang boses nila Aileen na nagsasabing buksan ko yung pintuan pero hindi ko ginawa.
BINABASA MO ANG
Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)
Tienerfictie(Contract Series #1) Rio Crizel Mallari Hechanova always wanted to have a simple college life... ngunit nabago 'yon dahil sa isang prank. She made a prank to his ultimate campus crush--Mark Joseph Viado. She messed up everything and her life was in...