Chapter 31

674 14 7
                                    

Chapter 31

"Matagal pa ba kayo?" I almost yell at Aileen and Chelsea's room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kong kumatok sa kwarto nila para gisingin sila dahil may pasok pa kami. Mukhang male-late na naman ako. Kung kailan naman mas malapit na kami sa campus at halos walking distance lang tsaka pa ko mahuhuli sa pagpasok. Napakakupad kasi ng dalawang 'yon sa lahat ng bagay.

Muli akong kumatok sa pintuan ng kwarto nila. "Ano ba? Ang tagal niyo namang magising?" Pumasok na ko sa loob dahil bukas naman pala. Nadatnan ko sila na tulog na tulog at nakatalukbong ng kumot. Talaga naman oh!

"Gumising na nga kayong dalawa! Anong oras na, late na tayo sa mga first subject natin," sabi ko habang hinahampas sila ng unan at tinatanggal ang kumot sa katawan nila. Mukhang wala silang balak pumasok ah.

"Mauna ka na, sis." sabi ni Aileen habang nilalabanan ang antok.

"What? Ang aga kong nagising dahil akala ko sabay tayong tatlo tapos papaunahin niyo ko?"

"Wala kaming first subject. May sakit yung professor namin."

"Seryoso ka?"

"Mukha ba kong nagbibiro?" Napakapilosopo talaga. "10 am pa ang second subject namin. Pumasok ka na." Napailing na lang ako sa narinig ko.

"Kanina niyo pa sana sinabi dahil nageffort pa naman akong gumising ng maaga para sa inyo."

"Hindi ka naman nagtanong."

"Ewan ko sa inyo." Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng bottled water. I seat at the sofa. Naayos ko na lahat ng gamit ko kaya pwede na kong pumasok. Tumingin ako sa wrist watch ko para tignan ang oras. 7:30 a.m. I almost have one hour para sa first subject ko. I haven't eat my breakfast kakamadaling mag asikaso ng sarili ko.

I stared at Aileen when she get some water on the fridge. Humikab siya sa harap ko bago umupo sa tabi ko. "Bakit hindi mo na lang i-text si Mark para ihatid ka sa school?" I seriously looked at her. Bakit naman nadamay sa usapan namin si Mark. "...so you don't need to walk from apartment going to campus."

"Kaya kong maglakad. And besides, ayoko siyang abalahin para lang ihatid ako," I said while drink some water. "Walking is a good exercise. At least, I don't need to go at the gym."

Naalala ko na naman yung nangyari ng isang araw. It's been a week pero hindi ko parin makalimutan na muntikan na kaming mawalan ng apartment dahil sa ginawa namin. Buti na lang at hindi nakita ni Mom kung sino yung kasama ko sa loob. Nang dumating si Mom ng time na 'yon, inutusan ko sila Chelsea na paalisin na sila Line, Bridge at Mark sa apartment. Dumaan sila sa likurang bahagi kung saan may short cut palabas.

After that, ilang days kong hindi nakita na pumasok si Mark sa room. Ni hindi man lang siya nagtext sa'kin kung bakit wala siya ng ilang araw. Ang balita ko, busy sila sa training ng basketball since siya yung team captain ng team nila. Malapit na ang basketball league sa buong campus at halos lahat ng varsities and participants from other courses ay makikilahok. From weeks na hindi ko siya nakikita, biglang tumahimik ang magulo kong mundo. Walang magulo. Walang maingay na nangangalabit sa'kin kapag gusto niya kong asarin.

"Ano namang masama kung ihahatid ka niya 'di ba?" she said.

"Hindi niya obligasyon na ihatid ako. Busy yung tao sa basketball training. Ayokong makaabala sa kanya."

"You must be the priority."

"No. I'm not," Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung priority niya ko bakit hindi man lang siya nagpaparamdam o magtext man lang kung anong nangyayari sa kanya 'di ba? Nasaan siya? Nandon siya sa first priority niya...basketball."

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon