Chapter 2

1.6K 38 2
                                    

Chapter 2

Pinagpapawisan ako ng malagkit. Malamig sa lugar kung nasaan kami, (dahil malamang mall 'to) pero tanging init lang sa katawan ang nararamdaman ko.

Anong gagawin ko?

Kapag sinabi ni Mark paniguradong gagawin niya 'yon.

I went to Aileen and Chelsea's direction. Hinablot ko ang kamay nila para lumabas ng restaurant. Tinignan ko sa mata si Mark na nakangisi parin hangang ngayon.

Shit. Ang gwapo niya.

"Nakain pa kami! Saan mo ba kami dadalhin?" sabi ni Aileen habang sumusubo pa ng fries at binitbit ang iba pang in-order namin.

"Oo nga! Kakaupo pa lang natin tapos aalis na kaagad tayo?" patutsada pa ni Chelsea.

"Kasalanan niyong dal'wa 'to! Magugulo yung buhay ko dahil sa dare at kaka-prank niyong dalawa!" bulong ko. Sinugurado kong hindi naririnig ni Mark yung pinag-uusapan namin.

"Bakit ano bang nangyari?" they asked.

"Basta. Umalis na tayo dito. Bitbitin niyo na yang meal natin," utos ko sa kanila.

Humingi sila ng paper bag at tinake out yung food na binili namin.

What should I do? Paano kung seryoso siya sa sinabi niya na ipapakilala niya ko sa mom niya sa dinner mamayang gabi? Argh!

"Pinapapunta niya ko sa bahay nila para sa dinner," panimula ko habang ikwini-kwento sa kanila ang nangyari kanina. "Kasalanan niyo 'to, e! Kung hindi niyo ko dinare na gawin 'yon, edi hindi ako namumoblema ngayon."

"Abay hindi namin kasalanan kung uto-uto ka at masyado mong binonggahan yung pagpapanggap," pagtatanggol ni Aileen sa sarili. "Malas mo lang, ate niya 'yon." Humalagakpak sila ng tawa matapos sabihin 'yon. Siraulo talaga 'tong dalawang babaeng 'to!

"May nakakatawa ba sa sitwasyon ko ha?" Inis kong sabi.

"Meron..." Huminto siya at pinigilan ang tawa. "Ikaw." Sabay silang tumawa.

"Rio, matigas ba yung ano niya?" I blush when Chelsea asked me.

"'Di ba kumandong ka sa kanya? Ano? Matigas ba?" Sucks! Mamatay ako sa kanilang dalawa.

"Yung bibig mo talaga kahit kailan. May makarinig sa'yo, siraulo ka!"

Tumawa si Chelsea at lumapit sa direksyon ko. "Uy, guilty. Huli pero hindi kulong."

"Bahala na nga kayong dalawa! D'yan na kayo!" sabi ko habang iniwan ko silang dalawa, habang nag-high five  sa isa't isa.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Aileen.

"Uuwi na ko! Lalayo sa mga malas kong kaibigan," pabalang kong sagot sa kanila habang pasakay ng taxi.

Parang wala lang sa kanila yung nangyari sa'kin kanina ah.

Nakasakay ako sa taxi habang aligaga paring natingin sa phone ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Parang masisiraan ako ng bait. 5:45 na ng tumingin ako sa wrist watch ko.

Mukhang hindi naman seryoso si Mark sa sinabi niya. Sinabi niya lang naman 'yon diba at hindi niya seseryosohin? Huminga ako ng malalim. Tama! Buti na lang at makakaiwas ako sa kahihiyan kung magkataon.

"Para na lang po sa tabi, Manong," sabi ko sa driver ng tumapat na yung taxi sa harap ng bahay. Nagbayad na ko sa kanya at agad na bumaba para pumasok sa bahay.

Hahawak sana ko sa gate para buksan pero bigla 'yon umawang at gumalaw.  Bakit naka-bukas? Laging nagsasara si mama ng pintuan since village 'to at umiiwas kami sa mga akyat bahay. Baka nakalimutan lang ni mama.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon