Chapter 1
February 14| Valentine's Day
Araw ng mga puso non. Magkasama kami nila Aileen at Chelsea, mga kaibigan ko. Buti na lang at natapat ng weekends ang valentine's day kaya nakagala kaming tatlo. Nasa loob kami ng mall, nasa bandang ibaba ng food court ng naisipan ng dalawa na mang-trip ng ibang customer na kumakain.
"Rio!" agad akong napatingin sa direksyon nilang dal'wa ng tawagin nila yung pangalan ko.
"Let's have a dare!" Aileen said full of excitement.
"Oo nga! Ang boring kaya dito, nakaupo lang tayo," dagdag pa ni Chelsea.
"Bahala kayo ah. Pero kapag nagka-problema sa mga trip niyo hindi ako kasama d'yan ah," I said.
They nodded. Iba talaga ang trip ng dalawang 'to. Nag-suggest si Aileen na maiba taya yung unang ipa-prank. Nagtawanan kami ng siya yung nataya. Siya pa naman naka-isip.
We looked at her. Chelsea laughed habang sinasabi niya yung naisip niyang dare kay Aileen.
"Alam ko na!" Chelsea said. "Pumunta ka sa gitna ng food court pagkatapos sumigaw at magwala ka."
"Ano?! Seryoso ka ba?" Aileen exclaimed.
"Meron pa, 'wag kang atat. Habang sumisigaw ka sa gitna sabihin mo 'to, 'Baliw ako! Baliw ako! Kakalabas ko lang sa mental! Tulong! Tulungan niyo ako!'" she added. "Walang aangal. It's a dare."
Nagmamaktol na nagpunta si Aileen sa gitna ng food court at nagsisisigaw. Halos humalagakpak kaming dalawa ni Chelsea ng naglupasay siya sa gitna ng sahig.
"Baliw ako! Baliw ako! Kakalabas ko lang sa mental! Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ni Aileen habang umiiyak sa gitna ng food court. Nakakahiya siya. May mukha pa kaya siyang ihaharap pagkatapos nito.
Tinitignan na siya ng mga tao. Mga ilang minuto lang, may lumapit na security para sawayin siya sa ginagawa niya. Natahimik kaming dalawa ni Chelsea habang lumalapit sa pwesto ni Aileen.
"Ma'am, kung hindi po kayo hihinto, mapipilitan po kaming ipadampot kayo sa security," sabi ng guard. Agad na umayos si Aileen ng tayo sa sinabi ng guard.
"Kuya, pasensya na talaga. It's just a prank," paliwanag naming tatlo. Buti na lang at mabait si Manong. Umalis kaming nakayuko at hiyang hiya sa ginawa ni Aileen.
"Muntik pa kong ipadampot ng guard na 'yon!" sabi niya habang galit na galit. "Gaganti ako sa inyong dalawa."
Pumunta muna kami sa Jollibee para kumain since tambay at trip lang ang nagawa namin sa food court.
"Kayo namang dal'wa! Bato-bato pick na kayo kung sino yung sunod na ide-dare!" Aileen said. Hindi maitago yung inis sa mukha niya habang sumusubo ng fries.
Ginawa na namin. Akala ko pa naman na-master ko na yung bato-bato pick pero hindi pala dahil natalo ako. Ano naman kayang ipapagawa nila sa'kin? Jusko, 'wag naman sana akong mapahiya.
They looked at me. Iba sila makatingin this time. I watched their reaction as they plastered an evil smile.
Inilibot ko yung mata ko sa mga taong nasa loob ng restaurant. Naku po! Bakit nandito siya?
"Nakikita mo ba si Mark?" sabi ni Aileen.
I looked at Mark's direction. May kasama siyang babae na mahaba ang buhok at maganda. Girlfriend niya siguro 'yon. Si Mark yung varsity ng basketball sa campus. Matagal ko na siyang crush at alam nilang dalawa 'yon.
"Lumapit ka sa kanya at agawin mo siya sa babaeng ka-date niya." My eyes grew bigger. Tama ba yung narinig ko? Nababaliw na sila.
"Hindi ko gagawin 'yan!" pakikipagtalo ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)
Teen Fiction(Contract Series #1) Rio Crizel Mallari Hechanova always wanted to have a simple college life... ngunit nabago 'yon dahil sa isang prank. She made a prank to his ultimate campus crush--Mark Joseph Viado. She messed up everything and her life was in...