Chapter 24

662 21 6
                                    

Chapter 24

Ang pagkakaalam ko, bawal mag-transfer sa kalagitnaan ng semester pero bakit pinayagan siya? Patuloy lang kaming nagtatalo ni Mark sa likurang bahagi. Buti na lang at walang pakialam yung prof namin.

Ito pala yung dahilan kung bakit hindi niya ko sinundo sa bahay para ihatid sa school. Magaling.

"Paano mo nagawa 'yon?! 'Diba bawal ng magtransfer?" Ngumisi siya at diretsuhang tumingin sa'kin. Huwag kang ganyan! Baka ulitin ko yung ginawa ko kagabi. Charot!

"Remember? I'm Mark Viado. Kung anong gusto ko, nakukuha ko. Even in most desperate way." Hindi naman siya papayagan ng campus administrator unless may valid reason o may tumulong sa kanya para maisakatuparan yung gusto niya.

Don't tell me...

"Everything's under control. Of course, it wouldn't be possible kung hindi ako tinulungan ni Tita," he said. "Ang lakas ko talaga sa kanya." Mas lalo lang nadagdagan yung mapang-asar na ngiti sa labi niya. Ang yabang talaga ng isang 'to!

"Sinasabi ko na nga ba e. Bakit pati si Ms. Falcon dinadamay mo sa kalokohan mo ha?"

"Why? Hindi ka ba masaya na kasama mo 'ko? Kaklase mo yung boyfriend mo," Huminto siya at inilapit pa lalo yung mukha niya sa'kin. "Mas magagawa mo yung gusto mo sa'kin. As a gift, you have unlimited kisses from me." Tinignan ko siya ng masama. Baka may makarinig sa boses niya at magkaroon pa ng clue sa nangyari sa'min sa Park kagabi.

Hinampas ko ng mahina yung braso niya. Pumikit siya at nagpanggap na nasasaktan sa ginawa ko. Bwisit! Bakit ang cute niya sa part na 'yon?

Tumingin ako sa unahan ng nagsalita yung professor namin.

"Okay, you can start performing the different physical fitness test. Push ups, standing long jump, seat and reach, 15 minute run and walk, curl ups, 50 meter run. Group yourself into 6 members," she explain. "Tatapusin natin ngayon 'yan. Ang unang makakapagpasa may incentive. Iiwan ko muna kayo, may kukunin lang ako sa faculty pero babalik ako to check if you accomplished something, okay?"

Umalis na siya at pumunta sa faculty. Nagsitayuan na ang lahat at naghanap ng kagrupo. Hindi naman ako magtataka kung walang gustong maging kamiyembro ako dahil (fake) girlfriend ako ni Mark. Hindi ko naman din ipagsisiksikan yung sarili ko sa kanila. Kung ayaw nila sa'kin, mas ayaw ko sa kanila.

May lumapit sa'kin na mga kaklase ko dahil kagaya ko, hindi rin sila pinili. Wala rin silang kagrupo kaya we decided na kami na lang lima yung magkagrupo.

"Babe," Kanina pa ko naiirita sa pangungulit ni Mark. Walang tigil niyang sinusundot yung tagiliran ko.

Hinarap ko siya pero pinigilan ko yung sarili ko na sigawan siya dahil ang pagkakaalam nilang lahat magkarelasyon kami.

"Wala pa kong kagrupo," sabi niya. "Sa'yo na lang ako."

Akin ka naman talaga e.

"Ayoko! Maghanap ka ng kagrupo mo. Ginusto mong magtransfer 'di ba? Magdusa ka." pagtataray ko.

"Okay." Nagsalubong yung dalawa niyang kilay. Tumalikod siya at naglakad palayo. "Maghahanap na lang siguro ako ng iba. Yung mas maganda tapos sexy."

Ano? Hindi niya man lang ba 'ko kukulitin na isama siya sa grupo namin? Sumuko na siya kaagad?

"Fine," I exclaimed. "Sa'kin ka lang---I mean, sa'min ka na. Dito ka na sa group namin sumali." Nakangiti siyang humarap sa'kin. Hindi ko naman hahayaan na maghanap siya ng iba noh! Confused parin ako sa dapat kong maramdaman sa kanya pero hindi ibig sabihin non na hahayaan ko lang siya na mapunta iba.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon