Chapter 36

587 14 1
                                    

Chapter 36

There are two types of person. The one who choose to love and the one who choose to sacrifice for the sake of love.

Would you choose to love someone who always hurt you or the one who always there to catch your back?

As days passed, mas lalo kong napatunayan na hindi ganon kadali lahat ng bagay na connected sa salitang 'love'.

Love has its deeper meaning.

I thought once na nain- love ang isang tao, puro lang saya. Yung tipong walang lungkot o kahit anong problema because love is already enough to bind the two lovers. But I'm wrong... even love is not enough.

All of your expectations will slapped you that fantasies doesn't exist on a real world.

Na hindi lahat ng idea na mayroon ka tungkol sa 'love' ay posibleng mangyari sa totoong buhay.

I just closed my eyes as I feel every words he said. Buong akala niya siguro ay nakatulog na 'ko dahil hindi na 'ko nagsasalita habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

Nanatili lang ako sa ganong pwesto dahil hindi ko rin alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga sinabi niya.

He knows from the start that it's impossible for me to fall for him. Dahil si Mark yung gusto ko at malinaw sa kanya 'yon. Alam niya kung ano yung nararamdaman ko kay Mark kahit alam ko namang wala 'kong karapatan dahil yung contract lang naman yung nagsisilbing dahilan kung bakit hanggang ngayon nagtitiis ako sa kanya.

I'm not a legal nor real girlfriend of Mark.

Kaya siguro ganon na lang kadali sa kanya na pagmukhain akong tanga. Dahil alam niya yung nararamdaman ko para sa kanya. Ganon na lang kadali sa kanyang paulit-ulit akong saktan dahil wala naman talagang namamagitan sa'ming dalawa.

It's just the shit contract.

Ilang minuto akong nakasandal sa braso niya bago ko tuluyang inalis. Tahimik akong nakatingin sa ganda ng paligid habang nararamdaman ko ang bawat malalim na titig ni Eris sa'kin.

"Alam mo ba? Ngayon ko lang naranasan yung ganitong pakiramdam..."

Huminga ako ng malalim habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Yung hindi ko kailangang magmadali. Yung hindi ko kailangang isipin yung mga bagay na gumugulo sa'kin. Wala kong inaalalang school works, reporting o projects na ipapasa kinabukasan. Yung wala kong ibang iniisip kung hindi i-enjoy yung moment na 'to."

"Minsan kailangan mong huminto kapag napapagod kana. Hindi dahil sumusuko ka kun'di dahil kailangan mong magpahinga," Tumingin siya sa'kin. "Lahat ng tao napapagod. So we need to find ways to be happy. "

"Sa sobrang dami ng ginagawa ko, nakakalimutan ko nang bigyan ng oras yung sarili ko."

Dama ko ang lamig ng paligid sa bawat paghampas ng hangin sa balat ko. Madilim na at tanging ilaw na lang na nanggagaling sa poste at sa iba't-ibang gusali ang nagbibigay ng liwanag sa buong lugar.

"Hindi ko pa naranasang pumunta sa bar. Um-order ng iba't-ibang klase ng alcoholic beverages at umuwi sa bahay ng lasing."

I saw him grinning.

"Seriously?"

I nodded.

"Yeah. Bukod sa bunso ako. For sure, kalbuhin ako ng tatlo kong kuya kapag nalaman nilang nagpunta ako sa bar just to hang out."

"Ang lungkot naman ng buhay mo kung hindi mo mararanasan yung mga ganong bagay."

"The last time I get drunk was when I and Chelsea hang out on apartment. Actually, napilit lang nila kong uminom non kung hindi dahil sa bwisit na dare na 'yon." I didn't tell him kung sino yung kasama ko ng araw na 'yon dahil may usapan kami na wala munang tungkol kay Mark sa araw na 'to.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon