Chapter 21
Nakatitig lang ako sa kanya buong byahe. Bakit parang madalas na yatang umaapekto sa'kin ang sinasabi ng bwisit na lalaking 'to?
"I know, it's our first date. I want this day to be special with you. I want this day to be memorable and unforgettable first date ever." Yung huling salitang sinabi niya yung paulit-ulit na nagre-rewind sa utak ko.
I secretly hide my smile.
Ito ba yung pakiramdam na yinayaya ka ng crush mo na makipag-date sa kanya. I can't understand the exact emotion I was feeling right now. Tahimik lang siyang nagmamaneho papunta sa kung saang lugar man niya gusto habang palihim akong sumisilip sa kanya tuwing may pagkakataon. Yung magulo niyang buhok, hulmadong panga na makalaglag panty, mga matang asul na parang dagat. Ang gwapo pala niya sa malapitan. Bakit parang ngayon ko lang naappreciate yung good side ni Mark?
"Saan mo ba ko balak dalhin?" pangungulit ko habang hinahatak yung kamay ko na nakaposas. Sandali siyang sumilip sa direksyon ko at bumalik din kalaunan sa pagmamaneho.
"'Wag kang magulo. Hindi mo ba nakikita na nagmamaneho ako?"
"Kung ayaw mong magulo sa pagmamaneho. Bakit hindi mo na lang ibigay sa'kin yung susi para matanggal na 'tong bwisit na posas na kinabit mo sa wrist ko?"
"Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Please, pakawalan mo na 'ko."
"I won't do that. Mahirap na baka makatakas ka pa." Tumingin siya sa'kin. "Ang bilin sa'kin ng parents mo, bantayan kita at siguraduhing ligtas ka."
"Hindi mo naman kailangang gawin 'to. You have your own life at hindi naman kasama 'to sa pagpapanggap natin. Ang napag-usapan lang natin, magpapanggap tayo kapag nand'yan si Ate Diane, yung parents mo at parents ko but it's beyond on what we supposed to do." I exclaimed. "Bakit kailangan mong maging sunod sunuran sa parents ko?"
"I chose this, no one force me to do it." he said in manly voice.
"Bakit mo nga ginagawa 'to? I can't understand."
"I'm doing this for your own sake. Ayokong maulit yung nangyari, ayokong mapahamak ka na naman. Dahil hindi ko alam yung gagawin kapag may nangyaring masama sa'yo. Kaya please lang, huwag mo na 'kong pahirapan." He exclaimed. "Wala ako lagi sa tabi mo para protektahan ka. Kaya sulitin mo na yung sandaling kasama mo 'ko." Sandali akong natahimik sa sinabi niya. Bakit sumikip ng bahagya yung puso ko sa mga salitang narinig ko sa kanya? Madalas kasi kaming nagaaway at nagtatalo sa isang bagay kaya hindi ako sanay na seryoso siya.
Ngumisi siya matapos niyang sabihin 'yon. Nabalot ng sandaling katahimikan yung loob ng kotse niya. Parang ang awkward lang ng feeling na marinig 'yon mula sa hindi marunong magseryosong si Mark Viado.
"Alam ko namang ginagawa mo lang 'to para bwisitin ako. So kung 'yon lang yung dahilan mo pwes nagtagumpay ka, bwisit na bwisit na 'ko!" I shout.
"Pwede bang 'wag kang sumigaw? Naririndi ako sa boses mo!"
"Magkano ba yung binabayad sa'yo ng parents ko? Dodoblihin ko o kung gusto mo triple pa basta pakawalan mo lang ako."
He grinned at me, even more malicious this time.
"I do it for free," he whisper "Unless, you want to payback. Your kiss would be enough payment."
He winked.
I heaved a sigh.
"Ito gusto mo?" I said while raising my right fists. Tumawa lang siya ng nakakaloko sa sinabi ko. I focus back my sight at the window. Kailan ko ba matatagalan yung kapilyuhan niya? Tahimik lang kaming bumyahe hanggang sa huminto yung kotse sa gilid ng kalsada.
BINABASA MO ANG
Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)
Teen Fiction(Contract Series #1) Rio Crizel Mallari Hechanova always wanted to have a simple college life... ngunit nabago 'yon dahil sa isang prank. She made a prank to his ultimate campus crush--Mark Joseph Viado. She messed up everything and her life was in...