Nag-out na ako sa facebook, paano ba naman si Carlo pinost yung picture ko nung kumakain ako ng chocolate na bigay niya mayroon pa namang chocolate sa gilid ng bibig ko. Bentang benta pa.
Hindi ko maintindihan kung ano na talaga ang feelings ko for him, kasi alam ko sa sarili ko na una palang crush ko na siya, pero iba na ngayon eh. Pinabibilis niya ang tibok ng puso ko. Korney man basahin pero totoo.
Nagcomment kasi siya doon sa pinost niya na stolen picture ko na kinabilis talaga ng heart beat ko. He said "Mukha man siyang ewan diyan. Kasing tamis at sweet pa rin ang feeling ko sakanya. :*"
AAAAAH!!! I think...
I like him na talaga.
"Xhien.. look this.. chocolate! I made by myself" My mommy said.
I hear the word chocolate naisip ko agad si Carlo. What if magpaturo ako kay Mommy tapos ibibigay ko kay Carlo magugustuhan niya kaya? Siguro naman eh obsess sa chocolate yun dinamay pa ako.
"Mom, can you teach me?"
"sure baby. Wait, hatid ko lang tong chocolate sa kapatid mo ha."
Hanggang dito pa naman si Ayen pa rin?
Bakit ba parating siya? Paano naman ako na anak nila diba? Naisip ko baka ako siguro yung sampid at hindi siya. Gusto kong makausap si Daddy ng personal kaso nasa States naman doon kila Kuya Shiero minamanage nila yung company.
Halos wala akong ideya sa nangyayari sa family ko sa totoo lang.
Anyway, malapit na birthday ko!
It's on December 17!
*krrringggg*
Inaantok pa ako.
*krrringggg*
Inaantok pa ako sabi eh.
0____0
Kelan pa ako nagkaroon ng alarm clock?!
at sino tong pumipisil sa ilong ko?!
Gising na ako bakit parang nananaginip pa yata ako.
Inaantok pa kasi ako, tawag kasi ng tawag si Carlo kagabi ang kulit kulit kaya heto ang resulta ang bigat bigat ng katawan ko.
Minulat ko yung mata ko.
"Sino ka?!!!!" Ano ba yan nasisilaw ako. Bakit nakabukas ang bintana ko. I hate it! Like duh, never ko talagang binubuksan ang bintana ko.
"Goodmorning.. tss ang hirap mong gisingin."
"Ca-Carlo??? Is that you?"
"tss oo! Wala ka bang balak pumasok? "
Wala namang talaga akong balak pumasok eh.
"inaantok ako"
Pinikit ko ulit ang mata ko. Ang sarap kayang matulog.
Paikot ikot ako sa kama ko, hindi ako mapakali bakit ang init.
Bukas pala yung bintana!
"Hoy CARLO NICOLAS!! Isara mo nga yang bintana ko..... 0____0 WAAAAAH!!!! Bakit andito ka??!! Ano ginagawa mo dito? Paano ka napasok sa kwarto ko? Sa bahay namin?!! "
Natauhan ako si Carlo nga! Akala ko talaga nananaginip pa ako.
"maligo ka na nga.. papasok pa tayo sa 2nd class, late na tayo sa first class eh."
"hindi mo pa sinasagot tanong ko!"
"tss.. nakalimutan mo bang sabay tayo papasok?"
Ha?? May sinabi ba siya kagabi nung magkausap kami sa cellphone parang wala akong maaalala.
