Carlo’s POV
Dinala ko siya rito sa Condo ko.
Lasing na lasing siya.
Kumuha ako ng white towel at binasa yun.
Pinunasan ko ang mukha niya ng dahan dahan. Ang pula ng labi niya.
Napansin ko rin ang buhok niya. Mukha siyang Ehu Girl.
Tuloy tuloy lang ako sa pagpunas ng mukha niya.
"Please don't leave me." she said. At may pumatak na luha galing sa gilid ng mata niya.
Alam ko nasasaktan siya. Nararamdaman ko yun.
"Hindi kita iiwan Xhien. Kahit anong mangyari." Then I kissed her forehead.
Tumayo na ako para patayin yung ilaw. Sa sofa na siguro ako matutulog.
Pinatay ko na yung ilaw dito sa may sala sa baba. Bali yung ilaw lang na nasa kwarto ang nagsisilbing ilaw.
"Anong ginagawa ko dito?!" Nagulat ako nung may nagsalita sa likuran ko.
Nagising ko yata siya sa paghalik sa noo niya o kaya sa pagpunas ng mukha niya.
Humarap ako sakanya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa sinag ng ilaw.
Sa tono ng boses niya alam kong galit siya sa akin. Galit dahil siguro hindi ko siya pinapansin noong makaraang araw. Ni hindi ko man lang siya nabati nung birthday niya. Special pa naman sakanya yun dahil debut niya.
Pero sa totoo lang, pinaghandaan ko yung araw na yun. Yun na dapat sana ako hihinhi ng patawad at sasabihin ko sana yung tunay na nararamdaman ko.
Masyado ng matagal yung mga araw na sinayang ko. Alam ko naman sa una palang na gusto ko na siya. Natakot lang ako sa posibleng mangyari kapag nagmahal ako muli.
"Bukas na tayo mag-usap. Magpahinga ka na."
"Wag kang magsalitang na para bang walang nangyari."
"Lasing ka na Xhien.. Bukas na tayo mag-usap."
"Hindi. Aalis na ako!" Binagga niya ako at tuloy tuloy siyang naglakad magmula sa may pinto.
Hinawakan ko siya sa may braso.
Sobra ang galit niya sa akin. Ang tanga tanga ko talaga.
"Bitawan mo ako! Ano ba problema mo?!"
"Please Xhieny, I'm so sorry. Patawad dahil sa ginawa kong pagiwas sayo noon. Naguluhan lang kasi ako. Sorry."
Tumingin siya sa taas ng kisami habang hawak hawak niya ang noo niya.
"Pwede ba Carlo. Huwag na tayong maglukuhan! Tanggap ko naman na eh. Hindi mo na kelangang magpanggap na nag-aalala ka sa akin ngayon. Kasi sa totoo lang hindi bagay sayo!"
Pagpapanggap ba yung mga ginawa ko? Pagpapanggan ba yung araw-araw akong dumadaan sa bahay niyo para malaman kung nauwi ka na ba? Pagpapanggap ba yung halos masiraan na ako ng ulo kakahanap sayo? Pagpapanggap ba yung mas pinili kitang hanapin kesa ang sumama na sa pamilya ko.
Sabihin niyo nga sa akin.
Pagpapanggap ba ang lahat ng iyon?!
"Alam mong nag-aalala ako sayo. Alam mo yan. Dahil una palang pinoprotektahan na kita. Una palang Xhieny! Ngayon, sabihin mo sa akin kung hindi ba talaga ako nag-aalala sayo?"
"Alam mo, ang labo mo eh. Sabi mo nandiyan ka lagi sa tabi ko.Sabi mo lahat ng luha ko papahirin mo.Sabi mo sa hirap at ginhawa sasamahan mo ako.pero bakit sa dinami-rami ng pinagsasabi mo, di mo nasabing mahal mo ako?"
Bakit ganun? Tagus tagusan ang mga sinabi niya sa akin. Hindi ako makapagsalita. Nanatili akong tahimik. May gusto akong sabihin pero hindi ko masabi.
Mahal kita Xhieny! Mahal na mahal kita. Pero tang*na! Bakit hindi ko masabi ngayon sayo?! Anong nagyayari sa akin!
"Ha-ha-ha! Wanna know whats hard when someone treats you special? First, You expect. Second, You assume. and the freakin last is You fall. I'm sick of this Crap Carlo!"
Tama ba tong isisi sa akin lahat? Bakit parang ang sama-sama ko!
"Then I realize it was just a friendly gesture and nothing more!"
Ilang minuto kaming nagkatitigan. Pero sa ilang minuto na yun hindi pa rin ako nakapagsalita.
Tuluyan niya ng binuksan yung pinto. Tumingin siya sandali sa akin at tumalikod na.
Dahil sa kunting liwanag lang ang nakikita ko. Hindi ko namalayan wala na pala siya.
Napayuko na lang ako sa inis ko sa sarili ko, pero nagtaka ako ng may maaninag akong patak sa sahig.
LUHA?
:'(
PROPERTY BY: CHENYAH MOORE