Nakapag-ayos na ako. Ito na yung araw. Araw na kinakatakutan ko. I know na makikita ko siya. Tss! Kelan pa ako natakot sakanya?! Hell, basta namimiss ko na ang buong barkada.
Lumabas na ako ng condo para maghintay nung masasakyan papuntang school.
Sa ilang araw na lumipas. Tila wala pa ring pagbabago. Bakit ganun? Hindi pa rin ako kompleto. Paano kung malaman ng mga studyante sa school ang nangyari sa akin, paano kung malaman nilang Ako si Xhieny Castro pinalayas ng kanyang munting Ina. Waaaah! Natatakot ako. Alam ko ang bawat pag-iisip ng mga tao sa school and I'm pretty sure na mag-iiba ang lahat ng pakikitungo sa akin. Alam ko..bababa ang tingin nila sa akin at--
"Anong ginagawa mo diyan?"
Napataas ako ng kamay sa sobrang gulat. Natigil tuloy ang pag-iisip ko sa mangyayari mamaya. Letche talagang lalaki na to! Mahilig akong gulatin.
"Maghihintay ng Bus."
Inirapan niya ako. Ano naman ang problema nito? Kahapon pa siya ganito. May kumausap lang sa akin na lalaki ganyan na.
"Sino ba ako?" tanong niya.
"Ikaw si Nicolas. Teka, may amnesia ka ba Carlo?"
"Ano ba Xhien! Bobo mo talaga eh nuh?!"
"Nag-aaral akong mabuti!"
"Haaay. Ang labo mo na talaga. Halika na!" kinuha niya yung kamay ko at hinila. "Teka nga Carlo saan ba tayo pupunta?"
Napafacepalm siya, "Sa school ano ba?!"
"Eh dito ang sakayan ko!" Pagpupumulit kong kalasin niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Sino nga ako?" tanong niya ulit. Seriously, may amnesia ba talaga siya?
"Ikaw--"
"Ako si Carlo Nicolas. Ang GWAPO mong boyfriend! At anung ginagawa ng boyfriend sa kanyang girlfriend?! Siyempre Hinahatid! Kaya halika na dahil malalate na tayo at ayoko ng sasakay ka ng pampublikong sasakyan. Ayokong may iba kang katabi! Ako lang ang pwede! Kaya pasok! " Tuloy tuloy na sinabi niya hanggang sa makapasok na nga ako ng kanyang sasakyan. How nice, bieng dragged and nagging -____- .
But suddenly I feel my heart beating faster.
Ilang minuto rin nakarating na kami sa school. Hindi ko maiwasang mataranta dahil lahat ng studyante ay nakatingin sa amin o sa AKIN lang mismo. Dumiretso agad kami sa tambayan. Haaaay, ganun na ba kabigdeal sakanila ang nangyayari sa buhay ko? Kindly just ignore my damn life?!
"Ignore them."
I look at him.
"But-"
"Trust me. It would be feel better." the he planted a kiss on my cheek.
"Hey, hey, hey!" Nakita ko na ang lahat ng barkada.
"Andito na ang magsing-irog." Kysel, sabay tawa nila Janica at Krish.
"Kadiri naman yun Kambal, irog? Pffft! " Wow huh. Bati na sila? I mean ayos na sila? I'm glad. Maayos na ang barkada.
"Anong kadiri doon? Ang lalim nga ng pinanghugutan ko dun parang ilog, tapos sasabihin mong kadiri? Eh kung ingudngud ko kaya yang kadiri mong mukha?"
"Aba, matapang ka na ngayon ha!"
"Matapang talaga ako. Ikaw lang tong kapit kapit kay Katigbak!"
"Mahal ko yung tao e."
"Ako hindi mo mahal? E kung patay--"
"Mahal kita kambal. Kahit hindi ka na gumada panghabang buhay. Mahal pa rin kita. Kahit ang baho baho muna, mahal pa rin kita. kahit mamatay ka-- "