Chapter 35

30 2 0
                                    

Where: United States of America

NO ONE’s POV

"How is it?"

"We are sorry for this Mr. Choi, pero ang tatlong buwan na nating hinahanap ay tatlong buwan na ring wala dito sa bansang america."

"What you mean?"

"Nakatakas siya."

"Mga hangal! Paanong nangyari yun?! Walang makakatakas na kahit sino man sa mga kamay natin. Paaano niya kayo nalusutan?!"

"Gamit ang isang device na gawa ng makapangyarihang organisasyon sa larangan ng teknolohiya. Nagawa niyang itago ang kanyang tunay na katauhan at nag-iwan lamang ito ng mga marking letrang K.A.R.M.A."

"At nakalap namin na nasa bansang Pilipinas na ito. Mukhang mahihirapan tayong mahuli siya."

Nag-isip ng maigi ang kanilang pinuno sa nakalap na impormasyon. Batid nito sa kanyang sarili na mahihirapan silang mahuli ang Most Wanted Criminal sa bansang America.

"Agent Molly, bilang isang matibay at matalinong Agent. Inaatasan kitang magtungo sa bansang Pilipinas at tapusin ang misyong ito. Matatanggap mo ba?"

"Pero Mr. Choi. Ang mga pamilya ko."

"Alam ko. Pareho lang tayo. Pero ikaw lang ang nakikita kong pag-asa para mahuli natin ang nasabing K.A.R.M.A."

"Kung ganun po, tinatanggap ko ang inyong utos."

"Hindi kita pababayaan. Kasama mong tutungo ng bansa si Agent Dredd. At bukas makalawa, makakarating na kayo roon. Kaya ready yourself."

Umalis na ito sa kanilang basement at nagtungo sa kanyang opisina.

Gamit ang isang program, nakaya niyang tignan ang kabuuan ng mundo, maging ang Pilipinas. Sa tulong ng satelite nagagawa niyang makipag-communicate saan mang dako ng mundo.

Pinag-aralan niyang mabuti ang mga lugar na pwedeng pagtaguan nito sa Pilipinas. Nahirapan siyang alamin ito dahil sa may isang device na nakakapagpasira sa kanyang program. Isang makapangyarihang device. Hindi niya akalaing ganito siya mahihirapan.

Tuloy tuloy lang itong nagttype sa isang software keyboard at nag-iba muli ang program na kanyang ginagamit. Sa hologram na yun, nakita niya ang kanyang anak na matagal niya ng iniingatan at ang sariling pamilya nito.

Pumindot siya at nagsalita.

"Lea, my daughter." he said.

"Dad?"

"Daddy?"

Paligoy ligoy ang isang babae sa softscreen na tila hinahanap kung saan nanggagaling ang boses.

K.A.R.M.A. ♠  ♣  ♦  ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon