"Wait.." at biglang may humila sa braso ko.
"oh Carlo ikaw pala..asan na yung tatlo?"
"kanina pa kita hinihintay dito" ano daw? eh bakit naman niya ako hihintayin..
"bakit?"
"may ipapakiusap sana ako sayo" kung ang paghinge ng moves sa babae..pwes hindi mo ako maaasahan diyan, expert ka na sa pambobola di muna kelangan ng advice ko >,<
"go ahead" yun na lang ang nasabi ko
"ah..e ..pwedeng.. pwede bang... ano kasi... pwedeng...ahhh pwede----"
eeeh? asa tip of the tongue na nga niya hindi niya pa maluwa.
"SHUT UP!! ano ba kasi yun?" para siyang nahihiya .. ano ba yan nakakabading :D
"kasi ano.. aahhh pwedeng....pwe----" sabay kamot niya ng ulo
"ewan ko sayo! sinasayang mo oras ko e! maghanap ka na nga ng babae mo.. "
babae mo?? waaaah parang tae! like duh, bakit yun naman ang sinabi ko?
naglakad na ulit ako ng hilain niya ulit ako.
"ano ba kasi?? hindi ka nakakatuwa ah, kung may sasabihin ka sabihin muna, hindi yung may pa ‘ah…ehhh pwedeng…. pwede bang….’ kang nalalaman! nakakainis lang eh"
peste to! inikot ikot ko na nga mata ko sakanya hindi pa natitinag nakatingin pa rin siya sa akin.. ano ba kasi problema nito? nakakagalit lang eh
"ok listen Carlo.. busy ako, wala akong oras makipaglukuhan sayo at higit sa lahat nagmamadali ako!" sabay talikod ko sakanya at aalis na ulit ng bigla siyang sumigaw not so loud yung tama lang na 5 meters away ang makakarinig :D
"WAG KA NG MAGSHIFT!!! PROMISE KO SAYO TUTURUAN KITA SA PROGRAMMING! TUTULUNGAN KITANG MAKAGRADUATE BASTA WAG KANG MAGSHIFT, AKO NA RIN GAGAWA NG MGA ASSIGNMENTS NA HINDI MO KAYA! I’LL MAKE SURE NA MAPAPASA MO LAHAT NG MGA MAJORS MO.........P-----P----........please?????"
napa 0____0 ako
"eh bakit mo naman yun gagawin?"
"because i like you" ANO DAW???
eh nung martes lang may kasama siyang babae? nakaabay pa! tapos sasabihin niya he likes me? like duh as if naman na maniniwala ako..
"HAHAHAHAHAHAHA!"
yun lang! tumawa na lang ako para ma-offend siya but I don’t meant it, at yun sinungitan ako.. sabi ko sa inyo eh, hindi ako gusto nun.. ASA PA AKO!
Kaso… Mali ba ang umasa? Masama ba ang umasa?
Carlo’s POV
"because i like you"
Matapos kong sabihin yang mga katagang yan TATAWANAN LANG AKO?
ugh! bakit ba kasi siya magsshift?! yan tuloy napaamin ako -____-
hindi ko kasi maimagine yung bang hindi ko siya katabi sa upuan, hindi niya ako sisigawan or sasapukin pag-tulog ako at walang mang-uubos ng chocolate ko?
diba parang mahirap atang ......... mag-adjust kapag ganun?? yun bang sanay na sanay ka na after 3months.
matagal ko na nga siyang gusto kaso may time talaga na naiinis ako sakanya ganun din siya lalo na nung pasang-awa mga grade niya nung exam grabe lang eh nakakadismaya..
wag kayo! perfect niya pero yung 'SPEECH COMMUNICATION with DEBATE'
Pinabibilib niya talaga ako -_____-