Inayos ko yung mga nagkalat na gamit sa kwarto ko. Haaay kung andito lang sana ang Yaya ko. Dumating nga siya nung ilang araw, kaso tinanggihan ko. Sabi ni Yaya, Siya daw ang titingin sa akin habang wala si Mommy.
Yun yun eh! Si Mommy!
Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin yung nangyari sa amin. Miss na miss ko na siya T____T
Habang inilalabas ko yung laman nung isa kong bag napansin ko yung Calling card number. Yung bag na yun, last year ko pa ginamit.
"Black Angel 0915-***-****"
Waaah ito yung Falcon Style, na gusto kong pagtrabahuan. Tawagan ko kaya? Tamang tama, paubos na kasi yung pera na pinadala ni Kuya sa akin Last year. Buwan buwan niya nga ako pinapadalhan, pero itinatabi ko talaga yun. Ayoko lang talagang makihati sa gastusin ni Kuya. Alam niyo naman na may sarili na siyang pamilya.
Ano kaya ang magigi kong trabaho? Waaah! Baka fashion Designer! ...
"Napaka-amateur ko naman kung yun agad."
Eh kung... MODEL?!
"Waaaah! Pwedeng pwede ako doon!"
Isang segundo lang ako nag-isip at kinuha ko agad yung cellphone ko na cellphone ni Carlo...hindi pa niya kasi ipinalit.
I dialed the number.
[What do you need?]
0____0 Nakakatakot yung boses. Buong buo ang boses.
Boses babae, pero nakakatakot talaga..
Diba dapat ' Hello?' muna?
"Ah--e..Mag---"
Ano ba yan hindi ko alam kung ano sasabihin ko.
[Are you fvcking crazy?!]
0____0
Patayin ko na kaya? huhuhuhu
[What?! Aren't you gonna speak?!]
"aa.. *hinga malalim*"
"Mag-aaply po sana ako bilang Model!"
[Pffft! Model?!]
"Yeah at Falcon Style."
Ang tagal sumagot yung kausap ko sa kabilang linya.
"Still there?"
[Good day Ma'am. ]
Eeh? Dapat kanina pa niya sinabi yan.
"Good day also." ^______^
[Are you sure you want to apply a work here at Falcon Style?]
"YES!"
[Ok Ma'am. Just go at ***. No more requirements to bring. Just yourself.]
Mas madali yun! Walang requirements. Hindi ko pa naman nakukuha yung birthcertificate ko, pati NSO. -_____-
"Ok. Thanks Ma'am!"
[You go now?]
Agad? Agad?
Teka, wala naman akong gagawin. Pwede na akong pumunta sa company nila. Total, boring dito.
"Yes Ma'am."
[Alright.]
"Thank You."
I hang up the phone at dali dali kong inayos yung mga natitirang nakakalat sa room ko. Haaay -_____- Nakakapagod din pala ang paglilinis eh nuh?
Naglakad na ako palabas para maghanaap ng cab. Medyo malayo layo siya. It took me 35minutes. Tumingala ako sa taas ng building. Ang laking kompanya ang papasukan ko!