Andito na kami sa Simbahan.
Magkatabi kami na nakaluhod. Hawak hawak niya ang kamay ko habang nagdarasal siya
Ang seryuso niya. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pagdarasal. Ano kaya ang iniisip niya ngayon?
"Hmp Lord, Thanks sa lahat. Alam kong masyado ng tumagal ang pagiging pasaway ko pero nagawa niyo pa rin akong paligayahin ng ganito. Lord Salamat sa taong ito. Salamat sa lalaking kasama ko, katabi at hawak hawak ang kamay ko. Salamat at ibinigay niyo po siya sa akin. Wala na pong bawian huh? Hindi ko yata kakayanin."
Habang sinasabi ko yan sa utak ko. Tumitingin ako sa kanya. Hindi ko talaga maialis ang mata ko sakanya.
Maswerte ako.
Maswerte ako at nagkaroon ako ng SIYA. Siya Na kelan man hindi magiging kanila. AKin lang siya! Selfish ba? Natatakot lang.
Natauhan ako nung mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Gusto ko ako lang ang nakakakita ng mga ngiting yan. Gusto ko, ako ang dahilan ng matatamis na ngiti mong yan. Gusto ko, AKO lang. Ako lang Carlo." Hindi ko akalaing nasabi ko sakanya yan.
Ngayon mas lalo siyang ngumiti.
"Pakasal na tayo?"
"0____0"
Butterflies erupted in my stomach and I found myself blushing.
"^____^ You know? That blush makes you look even more beautiful."
Great.
I blushed ten times harder.
Inalalayan niya ako sa pagkakaluhod at naupo kami sa upuan. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. Seryuso ba siya? Kasi kung oo... WAAAH! Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ko pa ata naiisip ang mga bagay na yan.
"Xhien. I Love you. "
Hoo. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung anu pa ang sasabihin niya. Sasagot na sana ako nung magsalita ulit siya.
"Pero seryuso kung ready ka nang makasal sa akin, pakakasalan na talaga kita. Kung gusto mo nga ngayon na eh."
Gusto ko na talagang mahimatay. Sobrang bumibilis talaga ang tibok ng puso ko. Carlo bakit ganyan ka? Papatayin mo ba ako sa pagmamahal mo? -____-
"Ah--e.. Carlo... Ano na ba ulit yun?"
"Ibang klase ka talaga Xhien. Seryuso na ako sa mga pinagsasabi ko tapos ganyan isasagot mo? "
Eh? Ang totoo kasi niyan hindi ko talaga alam ang isasagot ko.
"S-sorry Car--"
"Shhh. No need to Sorry. Wala kang ginawang mali. I understand why you act like that. Biglain ba naman kita. Mabuti nga hindi ka nahimatay hahaha!"
Loko to. Natuto pa akong asarin.
"Mahal kita Carlo. Kaso mga bata pa tayo. Hindi pa ako ready at hindi ko pa naiisip ang mga ganyan."
Malapit ng matapos ang misa.
Kaya naman nakakapag-usap kami.
Isinandal niya yung ulo ko sa balikat niya ngayon.
"Alam mo bang maagang ikinasal sila Mommy at Daddy?" tanong niya. Nakatingin lang kami sa may altar.
"Talaga?"
"Oo, Gayahin na natin."
Napatingin ako sakanya nung sinabi niya yan. Ang kulit niya rin nuh?
"Hahaha biro lang. Mahal na mahal kita. Ikaw lang at wala ng iba."